Una sa lahat, bakit ko ginawa itong artikulo na `to. Ang sagot, wala lang. Trip ko, eh. Bakit, may angal?
Ang taong nasa likod ng mga nobelang binabasa niyo ay isang tao. (obvious ba? Haha!) De, joke. Seryoso na. Haha
Ang totoo, si Skye Reyes sa personal ay…
1. Seryoso
- totoo po ito. Hindi halata, ano? Itanong niyo pa sa kinauukulan. :) Pramis. Wala akong sense of humor, hindi marunong magpatawa at hindi ako ang tipo ng clown. Kapag tahimik ang isang tao, tahimik rin ako. Malalaman niyo sa pangalawang numero kung bakit. Iyong tipo na baka mapanisan na kayo ng laway kapag hindi niyo talaga ako kinausap dahil never akong kumakausap sa taong hindi ko kilala maliban na lang kung importante. Kaya boring akong kasama. ^-^
2. Mahiyain
- Check! Ako ang tipo ng taong nanliliit sa harap ng ibang tao, kahit walang ginagawang masama. Basta. Ganoon lang ako. Isang tanong, isang sagot lang din. Iyon ang dahilan kung bakit po hindi ako nagsasalita kung hindi ako kinakausap. Mahiyain po ako, eh. :) Mahiyain ako, lalo na sa harap ng crush ko. (ayieeh) haha! Natitiklop talaga ako. Parang ABAKADA lang ang kaya kong sabihin sa tuwing mangyayari `yan. Waaaaaaa! Nakaka-shy. xD Nahihiya rin ako kapag kino-complement ako ng isang tao. Mahiyain akong mag-english sa harap ng ibang tao. Alam ko kasi kung gaano kalupit ang ibang tao na akala mo, kung sino silang napakagaling mag-ingles kapag napansin nila ang maling grammar mo, samantalang ang gusto mo lang naman ay ma-practice ang wikang ingles. Pero, ganoon pa man, datapwa't, subalit kahit na ganoon… Madalas akong mag-ingles sa mga entry ko sa Diary ko. Oo, tatanggapin ko naman kung itatama nila ang pag-iingles ko, pero nahihiya lang talaga ako. Mahiyain ako, remember? Haha!
3. Mababaw ang kaligayahan
- Sa totoo lang, mababaw lang ang kaligayahan ko. Kadalasan sa nakapagpapasaya sa akin ay hindi mga materyal na bagay. Hindi ako nagmamalaki o ano, pero sa totoo lang, hindi ako maluho na tao. Hindi ako napapasaya ng lahat ng mamahaling bagay-- mamahaling relo, cellphone, pagkain-- basta lahat ng mamahalin. Kuntento na ako sa mga simpleng bagay. Alam niyo ba kung anong mamahalin ang naaappreciate ko? Mamahaling notebook-- bakit? Mapili po ako sa kalidad ng papel na pinagsusulatan ko. Maarte po ako pagdating sa notebook ko. Itanong niyo pa sa mga presidente ng Pilipinas! Haha Joke. Hindi, walang biro. Ang pinaka-off limits sa mga gamit ko ay ang notebook ko. :) Ay teka, bakit napunta sa notebook ang usapan? Ah, balik sa mababaw ang kaligayahan topic. Haha! As I was saying, mas nasisiyahan ako sa mga intangible things. Hindi ko ma-explain pero masaya ako kapag kasama ko ang mga taong mahahalaga sa paligid ko. Kapag naaappreciate ng mga tao ang ginagawa ko (gaya ng nobela ko), kapag natanggap ang nobela ko, kapag nakakuha ako ng mataas na grades o kahit pumasa lang sa eksam, marami pa. Ako ang tipo ng tao na super nakaka-appreciate kahit maliliit na bagay sa paligid ko. :)
- Iharap niyo lang sa akin ang sandamakmak na libro, mapa-mathematics, fiction at non-fiction books, masaya na ako. I love reading books, eh. Obvious ba? Haha!
4. Hindi Pilosopo.
- Ah, kung hindi niyo naitatanong, wala sa dugo ko ang pagiging pilosopo. Hindi ako nakasalo ng ganyang pagiisip,eh. Sa totoo lang, medyo naiirita ako kapag binabara ako ng papilosong paraan. `Yong tipong seryoso kang magsasalita, pagkatapos, babarahin ka para lang pilosopohin ka? Haha! Oh, baka naman isipin niyo, ayaw ko kayong maging kaibigan dahil pilosopo kayo? HINDI PO. Ang totoo, may bestfriend ako na nuknukan ng kapilosopohan. (Alam mo na kung sino ka) haha! Pero magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Bakit? Marunong akong rumespeto ng opinyon ng isang tao. Kung iyon ang gusto mong isipin, so be it. Sinasabi ko naman kapag naaasar na ako. At least, alam niya `di ba? Peace! :P
Miscellaneous:
Si Skye ang tipo ng tao na hindi makatingin ng diretso sa guwapong lalaki. :P haha! Ayaw ng nakakaabala sa kapwa.
Ayaw magtapon ng basura sa hindi basurahan.
Ayaw ng usok ng sigarilyo (sorry po :P) haha
Mahilig magbasa ng pocketbooks. (kailangan pa bang i-memorize `yan?) boplaks palagi.
Hindi eksperto sa Dama, chess, scrabble. Name it.
Mas naipapakita ang kakayahan sa pagsusulat kaysa sa pagsasalita.
Takot sa rejection.
Ayaw ng confrontation.
Engineering student na mahilig sa romance novels. (Masyadong related `no?)
May pagka-pessimist, minsan.
Friendly sa taong friendly.
Mahilig magsulat ng mga pangyayari sa buhay sa isang Diary.
Hopeless romantic.
Selosa?
Haha! Kapag nagsusulat, tahimik lang sa bahay.
May pagkatamad.
Medyo magastos.
Ayaw sa kulay Pink
May pagka-boyish.
Ano pa?
`Yon lang muna :) Maraming Salamat sa pagbabasa. Wala lang po talaga akong magawa.
NOTE: Pawang katotohanan at walang pagkukunwari ang mga nakasulat diyan. Bawal ang Pilosopo. Haha! De, joke. Tandaan po lamang na hindi po ako PERPEKTO. TAO lang din po ako na may hindi magandang katangian. Overall, ako ito, eh. Huwag niyo po sana itong husgahan. Sana po hindi po ito makaapekto sa pagbabasa niyo ng mga akda ko. Baka hindi na kayo bumili ng books ko, eh. Hahaha!
Hanggang sa MULI :)
Diary of a Gemini girl. A girl who often change her mind about things. Likes to think in a critical way. Always overthink things and dumb when itcomes to simple things. Yeah, she's weird.
Linggo, Mayo 27, 2012
I'm back!
Well, well, well. what can i say? I just want to update my blog. two years ago... i'm just a simple engineering student just like every one else... after sometime, i tried to do things that i didn't used to do and that changed my life.
As of now... I'm a part time romance writer, still a struggling engineering student waiting to see the ray of light... hoping to fulfill my ultimate dream this year. but anyway, i can do this! *cheers myself* ^-^ HAPPY DAY :)
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)