Linggo, Agosto 24, 2014

Bakasyon :D

For the first time for the last four months, nakapagpahinga din ng matagal-tagal.. Precious three days! Ang saya lang. So, update update din ng blog kapag may time :)

So, what's new in my life? I started to play guitar. Well... masakit siya sa daliri. I already have calluses on my fingertips. HUHU pero iyon raw ang magiging patunay na guitar player ka na for the rest of your life kasi hindi na iyon mawawala. Haha... so, okay na din :)

I was pushed to learn how to play a guitar kasi marami sa mga katrabaho ko ang marunong maggitara. HEHE In short, naiingit. CHOS. I really find it cool when they play a song in acoustic guitar. Sabi ko, gusto ko ding matuto. hehe... so... ayun, bumili ako ng gitara ko. (nagpasama pa ako sa isang guitar expert na katrabaho ko para lang makabili). Kahit papaano nakakatugtog na ako. :)

Mahirap lang pala yung magpalit-palit ng chords kapag mabilis yung song and ang hirap ng hindi open chords. Kapag inipit ko yung mga strings walang tunog na lumalabas! haha... next time na lang ang plucking. Nahihirapan nga akong magstrum habang kumakanta e. ang hirap pala! haha.. dami kong iniintindi like yung fretting, paglipat ng chords, pagstrum, tapos lyrics ng kanta. Hirap isipin ang mga iyon all at once! haha.. i guess i need more practice....