I... I don't know why I'm like this. No'ng magpaulan si papa God ng common sense, wala yata akong nasalo no'n. Pati kaunting pag-unawa sa mga simpleng instructions. Bakit nga ba ako ganito? Masyado akong mali-mali sa lahat ng bagay. Sa lahat. If I can undo all of the things that I did the previous hours, weeks, months, years... i will start all over again. I'm starting to realize that this isn't the life i used to think. Napaka-hirap pala nitong propesyong napili ko. Lagi kong pinalalakas ang sarili ko na kaya ko ito. Pero most of the time, hindi ko na kaya maski ang kampihan ang sarili ko na okay lang 'yan...
What now? Maybe, the reason why i feel down like this today is that... i realize that i'm not enough for this profession. I mean, hindi yata kaya ng level ng utak ko ang umunawa pa ng maraming bagay. Kumbaga sa isang USB or external drive sa computer, not enough memory na. *sigh*
Simple lang naman din kasi ang mga instructions sa akin na may kinalaman sa propesyon ko kung tutuusin. Iyon lang, masyado ko iyong pinalalalim hanggang sa lumayo na ako sa katotohanan. Sabi ko nga, wala akong common sense. ang hirap pala ng walang ganun. hahahahaha
Minsan, sa sobrang makakalimutin ko, naiisip kong may stage two Alzheimer's disease na ako. Mayroon nga ba? Para kasing hindi na normal. hahaha!
Nakaraos naman ako sa limang taong pagaaral, nakapasa sa board exam at at natanggap sa malaking construction company. Ang tanong ko lang sa sarili ko, ano'ng nangyari? Bakit pakiramdam ko, grade one ako sa trabahong pinasukan ko?
Dahil ba baguhan lang ako? I am now working for 7 months. mage-8 months na nga e. nakakahiya lang sa mga boss. hayyyyy.. :(
I made up my mind that if i'm still like this for the next two months, maybe its time to quit...
I know, quitting means I'm a loser. Loser na kung loser, but i need to find out my strenght sa ibang gawain. I need to...
Okay, this entry will be deleted after two months. Kailangan ko lang matyagan ang sarili ko. xD
-Skye Reyes
Ate Rhoms, I feel you. Hahaha! Ganyan rin ako noong OJT ko. XD
TumugonBurahinhay grabe princess.. basta nada-down ako lagi kasi lagi rin ako nagkakamali XD
TumugonBurahin