Miyerkules, Enero 27, 2016

When you Really Love Someone

This is a draft post written last year (Feb 2015)

What is love?

Love. Love is a very deep, unexplainable feeling of being mentally, emotionally and physically attached to someone who suddenly became part of your system without realizing it. No matter how guard your defenses, there would be someone, somewhere, who will pass by the river or infinite oceans and seas for you. Also, it is really true that you'll find love when you least expect it... 

Okay, tama na ang drama. Kasi naman! February na naman, ayan tuloy. Kung ano-ano naiisip ko. HAHA...
Anyway, i haven't posted on my blog since forever so mag-uupdate lang.

Paano ko ba sasabihin 'to.. For the first time, i feel excited about Valentine's day. For the first time, hindi na ako nakakaramdam ng bitterness kapag nakakakita ako ng couples (LOL). For the first time, naghihintay ako sa mensahe o tawag ng isang tao.

-me, February 2, 2015

What really is love.

Love. When you really love someone.

When you really love someone, it's not about "Valentines' day" or special love day para ipakita mo na mahal mo ang partner mo. When you really love someone, kagigising mo pa lang sa umaga, excited ka na. Hindi dahil magkikita kayo o may date kayo, but the thought of the overwhelming feeling when you realize another day had passed, but the feelings... lalong tumitindi, lalo mo siyang minamahal kahit kisame ang makita mo at hindi siya sa unang pagmulat ng mga mata mo sa umaga.

When you really love someone, its really hard to remember how you really lived the past years without him/her. Hindi naman dahil nakatuon na ang buong mundo mo sa kaniya, o palagi mo siyang kasama ngayon, kundi dahil sa kaniya mo naramdaman ang kakaibang saya at tunay na pag-ibig na hindi mo nararamdaman noon. Yes, you really lived without him/her for as long as you remember, but you were never really complete until he/she came along.

When you really love someone, you wanted to suceed in life. You wanted to have a good life in the future... with him/her. Nakikita mo na ang taong ito na kasama mo habang buhay. Naniniwala kasi ako, kapag pumasok ka sa relasyon, hindi ka na dapat magpaligoy-ligoy pa. Ang goal dapat sa pakikipagrelasyon ay ang long-term togetherness and happiness.

When you really love someone, you want him/her to be happy. Gusto mong matupad ang mga pangarap niya-- kung iyon ang ikaliligaya niya. Mas inuuna mo ang kaligayahan niya sa kaligayahan mo.

When you really love someone, sometimes you'll be at loss in words, but what you really want to say is how much you love him/her. Wala kasing katumbas na salita ang pagmamahal mo sa isang tao. Ako, may may mga pagkakataon na sinasabi ko ang "i love you" sa kaniya ng paulit-ulit pero pakiramdam ko kulang pa ang salitang iyon sa nararamdaman ko. It's just... no words can explain how much i love him :)

Kaya wala na akong maisulat ito. Ang dami kasi... :D

Wala na namang magawa.


Sorry, another post about love again <3 p="">
-Amohr

Lunes, Enero 11, 2016

May Forever

Dahil kapapanood ko lang ng pelikula na ang title ay kabaligtaran ng title ng blogpost na ito, magpo-post ako ng thoughts ko about doon :)

At since wala namang nagbabasa ng blog ko, de good. ^_^

Hayyyyyy.. Walang Forever. Ang sabi sa movie, kapag daw tinanong mo ang isang tao at isinagot sayo ay 'May forever', nakahanda pang tanggapin ng taong iyon ang mahal niya. Kung 'Walang forever', handa na itong mag-let go sa taong minamahal niya. No wonder naniniwala ako sa "may forever'. I will hold on to him as long as I can, as long as I love him...

I can imagine kung paano magmahal si Mia kay Ethan at Ethan kay Mia... Kakakilig ang bawat eksena na magkasama sila. Natural na natural ang pag-arte.

I can say na based on true relationships lahat ng iyon. Totoo naman talagang minsan may 'walang forever' drama sa ating mga relasyon, But you should fight if you know its worth it. Sa tuwing mag-aaway kayo, please lang, think of all the good times rather than bad times. Ofcourse, dapat maraming good times kayo.

May na-miss ako sa movie na 'yan. Alam niyo na. HAHA. Ganoon kami magkulitan. Kagaya ni Mia, kinukulit-kulit ko ang boyfriend ko kapag engrossed siya sa nilalaro niyang games sa cellphone o kaya naman, concentrated masyado sa pinapanood sa tv. Kinakagat-kagat ko, niyayakap ko sa likod, para lang maagaw ko ang atensiyon niya, Magagagalit-galitan, tapos ihihilig na niya ako sa lap niya or sa balikat niya. Hayyyyyy. Kakilig magka-bf. LOL

Ugali no'n kapag nangungulit ng lambing, niyayakap ako ng mahigpit, saka aamuy-amuyin yung buhok ko. tapos kiss sa noo. Hayyy.. I love sundays.... I miss him agad...