Dahil kapapanood ko lang ng pelikula na ang title ay kabaligtaran ng title ng blogpost na ito, magpo-post ako ng thoughts ko about doon :)
At since wala namang nagbabasa ng blog ko, de good. ^_^
Hayyyyyy.. Walang Forever. Ang sabi sa movie, kapag daw tinanong mo ang isang tao at isinagot sayo ay 'May forever', nakahanda pang tanggapin ng taong iyon ang mahal niya. Kung 'Walang forever', handa na itong mag-let go sa taong minamahal niya. No wonder naniniwala ako sa "may forever'. I will hold on to him as long as I can, as long as I love him...
I can imagine kung paano magmahal si Mia kay Ethan at Ethan kay Mia... Kakakilig ang bawat eksena na magkasama sila. Natural na natural ang pag-arte.
I can say na based on true relationships lahat ng iyon. Totoo naman talagang minsan may 'walang forever' drama sa ating mga relasyon, But you should fight if you know its worth it. Sa tuwing mag-aaway kayo, please lang, think of all the good times rather than bad times. Ofcourse, dapat maraming good times kayo.
May na-miss ako sa movie na 'yan. Alam niyo na. HAHA. Ganoon kami magkulitan. Kagaya ni Mia, kinukulit-kulit ko ang boyfriend ko kapag engrossed siya sa nilalaro niyang games sa cellphone o kaya naman, concentrated masyado sa pinapanood sa tv. Kinakagat-kagat ko, niyayakap ko sa likod, para lang maagaw ko ang atensiyon niya, Magagagalit-galitan, tapos ihihilig na niya ako sa lap niya or sa balikat niya. Hayyyyyy. Kakilig magka-bf. LOL
Ugali no'n kapag nangungulit ng lambing, niyayakap ako ng mahigpit, saka aamuy-amuyin yung buhok ko. tapos kiss sa noo. Hayyy.. I love sundays.... I miss him agad...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento