I want to relax after a whole day of solving and reviewing the principles of theory of structures (our topic for the week), so... Yeah, thats why I'm typing this entry of my blog. HAHA Obvious ba? lels.
I really wish i could make it to pass our licensure exam on May. As in, really. I'm very eager to pass on time, not just because I want it for myself, but to those people who believe in me. But i guess, i'll just do what i have to do... My very best. Ibibigay naman ni papa God iyon kung para sa akin talaga ang lisensiyang inaasam ko. At Ppra wala na ring sisihan sa huli. Iyong tipo na, "You didn't study well thats why you failed it on board." I don't want to hear any of that comments kaya talagang pagsusumikapan ko na ito. And besides, i promised to my mother (sumalangit nawa) that i'll do my best to get my license on May.
Yowww! Tama na ang drama! dumako naman tayo sa taong inspirasyon ko ngayon sa pagaaral (bukod sa mother ko, ofcourse) :3 (dumako talaga?) Haha! Alam naman ng lahat iyon, eh. Its no other than Engr. R.R. Haha! Natawa kayo? Ako din, eh. Lels. Ah, basta. Ang galing at ang talino kasi niya (bukod pa sa guwapo haha) kaya idol ko talaga siya. During his time, he topped the CE board exam. ang galing, no? Magaling magturo (kahit super bilis). Fast learner daw kasi kami. XD (DAW) Kahit nauubos ang oras namin sa kaka-derive niya ng formulas ( using integration, differential calculus, etc), at least the concept was there. We were able to understand the concept, kung bakit nagkaron ng ganoong formula kahit nakakaumay na. Haha! :) ayun! At saka, gusto ko talaga siyang makatrabaho, promise! Hahahaha! Kaya dapat, pumasa na ako. Chossss. De, the truth is, i just want something or someone to inspire me to struggle hard. Motivation. Alam ko naman na wala talaga kaming pag-asa romantically (bitter xD haha!), pero sana magkaroon ng chance na makatrabaho ko siya dahil alam kong madami akong matututunan sa kaniya. :D
Salamat na rin sa kaniya, may naisip na akong character sa susunod na nobela ko. I would like to write it under "Camp speed series" where the hero was a car racer- slash- genius-engineer na kino-compute ---literally-- ang velocity ng sasakyan niya to travel a certain distance with the given amount of time. Dynamics ito! XD ganoon siya ka-genius. Haha! He was also silent, mysterious type of guy... At ano pa? Tama na, wala ng thrill. Basta ganoon siya. And the character's name is... Secret! Hahaha
Hosiya. Napahaba na. Abangan niyo ha? Hahaha! Ciao :3
Diary of a Gemini girl. A girl who often change her mind about things. Likes to think in a critical way. Always overthink things and dumb when itcomes to simple things. Yeah, she's weird.
Martes, Enero 22, 2013
Teaser of ILY, Forever :3
I Love You, Forever
By Skye Reyes
Chrissa, Aldrich and Rane were best of friends since forever. Matagal na iningatan ni Chrissa ang pagkakaibigan nila pero nasira iyon nang mabunyag na si Rane pala ang lihim na minamahal ng fiancée ni Aldrich. Naipit si Chrissa sa dalawa niyang kaibigan, pati na rin sa pagsintang pururot niya para kay Aldrich. Lihim kasing nagbunyi ang puso niya nang maisip na may pag-asa pa ang dalawang dekadang pagmamahal niya para sa kababata.
Sinamahan at inalo niya si Aldrich sa pagkabigo nito. Nang hindi makatiis ay nagtapat siya. Gumuho ang mundo niya nang tanggihan siya nito. Pero isang araw ay binawi nito angsinabi at sinabing subukan umano nila. Kaya naman mula sa pagiging magkaibigan ay naging mag-MU sila.
Tunay na malabong usapan ang namagitan sa kanila dahil isang araw ay nakita niyangmagkayakap ito at ang fiancée nito…
Biyernes, Enero 11, 2013
Kapag May Tiyaga, May Nilaga
Share-share din ng status sa facebook.
How are you feeling, Rhoma?
Good question, facebook! I'm soooooo tired. verrrrrry famished. Sa wakas, masasayaran na din ng kanin ang tiyan ko ngaung araw. -_- Its been a looooooong day. Review center in da morning, went straight to our province after to get my form137 then went back here. Gawin bang Cubao ang Pampanga? xD Fifteen minutes lang tinagal ko sa amin. Nakita ko yung panira kong grade sa math nong highschool. Bakit nga ba ako napunta sa Engineering? I quit! De joke. Malapit na ako sa katotohanan e, lisensya na lang. At doon ko din napatunayan na walang bagay na di makukuha sa tiyaga at pananalig sa Kanya.
Good question, facebook! I'm soooooo tired. verrrrrry famished. Sa wakas, masasayaran na din ng kanin ang tiyan ko ngaung araw. -_- Its been a looooooong day. Review center in da morning, went straight to our province after to get my form137 then went back here. Gawin bang Cubao ang Pampanga? xD Fifteen minutes lang tinagal ko sa amin. Nakita ko yung panira kong grade sa math nong highschool. Bakit nga ba ako napunta sa Engineering? I quit! De joke. Malapit na ako sa katotohanan e, lisensya na lang. At doon ko din napatunayan na walang bagay na di makukuha sa tiyaga at pananalig sa Kanya.
Dagdag:
Oo, totoo iyon. Noon, hindi talaga ako magaling sa math. Alam ko iyon sa sarili ko, but still, it didn't stop me from taking CE course. Gusto kong hamunin at subukin ang sarili ko. Weird ako, eh. Ang sabi ko, gusto ko, bukod sa pagsusulat ay gusto ko pang may malaman na iba, kaya napunta ako sa mundo ng Civil Engineering. Ewan. Ganun ako magisip dati. At iyon, unang sem ko sa college, nanibago ako. Pinatikim ng trigonometry ang unang tres ko. Bang! First sem pa lang, may tres na! I was like slapped by the reality na hindi na pala ito highschool. Na hindi uubra ang petiks-petiks lang. Ang sabi ko, "hinamon-hamon mo ang sarili mo, de panindigan mo 'yan." Ayos lang naman ang Algebra ko, kaya nagkapag-asa pa ako na may i-improve pa ako. Nagbago ako. Solve dito, solve doon. I aimed for improvement. I survived my math subjects-- Algebra, trigonometry, solid mensuration, plane geometry, analytic geometry, differential aclculus, integral calculus, statistics and probability. Nakuha lang yan sa tamang pagaaral. May konting saya din (libot ng konti sa mall together with friends) pero siyempre aral pa din sa gabi. Aral kung aral. At siyempre sasamahan din ng dasal sa Kanya. Manghingi lang tayo ng talino at malawak ng pagiisip, bibigyan tayo Niya.
Pero nong third year, seryoso na! Doon na nagsimula ang overnyt aral sa bahay. Fourth year, overnight with friends and classmates na. Tiyaga-tiyaga lang sa building designs at projects. Group study ang pinakamainam na paraan para magaral. May alam ang kasama mo na hindi mo alam. At may alam ka din na hindi niya alam. share-share din... :) fifth year, huwag ka ng matulog! (sabi ko sa sarili ko kapag inaabot kami ng umaga sa thesis at designs.) kasi iniisip ko, last year ko na iyon. kaunting tiis pa. At muli, samahan ng dasal para mas epektibo. :)
Hala! Bakit ako nagkuwento sa college life ko? Ang gusto ko lang namang sabihin, huwag tayong matakot harapin ang mga mahihirap ng bagay at aspeto sa buhay. Isipin na challenge iyon para lalo kang mag-improve at gumaling. Hindi ko sinasabing magaling na magaling na ako sa math pero pwede niyo rin akong tanungin para patunayan iyon :) Kahit practice lang, for board exam hahaha.
So, titiyagain ko na ang pagkuha ko ng lisensiya. Alam kong ibibigay naman Niya iyon sa tamang panahon, basta ginawa ko ang best ko :))))
Prologue of I Love You, Forever
Okay, dahil feeling ko ang laki ng atraso ko sa inyo dahil matagal pa ako magsusulat, magpo-post na lang ako ng kung ano-ano related sa bagong approve na spin off novel ko, ang story ni Dr. Aldrich Agustin, Kung natatandaan niyo sa nobel kong "My Happy Ever After", kilala natin siyang peacemaker at cool headed guy ng BSS boys (BSS boys talaga? Hehe). Sa novel na ito, makikilala niyo ang other side niya. Nagiging monster kasi siya kapag ang heroine na niya ang pinaguusapan at well... pati na rin ang love conflict na fiancee niya. Broken hearted ang peg ng ating hero. lol.
So, ito na. Alam ko, bitin. Pero pagpasensiyahan niyo na :)
ALDRICH was driving nowhere. Maraming bagay ang lumutang sa kaniyang isip. Lorelene. Rane. Chrissa. His family. His job. His shattered future. Sa isang iglap, hindi na niya alam kung alin sa mga pangyayari sa buhay niya ang totoo at hindi. Kung aling mga bagay ang matatawag niyang kaniya at hindi niya pagaari. Kung ano nga ba ang mga nais niya sa buhay. The feeling of betrayal sank in through him. And it hurt like hell.
Damn them! Wala siyang masamang ginawa sa mga ito. In fact, he’d always been there when they needed him. Paano iyon nagawa ni Lorelene at Rane sa kaniya?
“Four years, Lorelene! Bakit kailangan mo pang paabutin sa ganito? Aldrich’s my bestfriend, for goodness’ sake!” Hinapit ni Rane si Lorelene— his beautiful, close-to-perfect fiancée— at sa isang iglap ay magkayakap na ang mga ito. “But I love you. Kahit gaano mo pa ako saktan, mahal pa rin kita.”
“I’m so sorry. Everything is just a misunderstanding. Hindi ako ang perpektong babae na nababagay para kay Aldrich. Hindi ko na kayang magpanggap. Ang akala ko, magiging masaya ako sa naging desisyon ko. Until you confessed your feelings for me. Ikaw pa rin pala ang mahal ko, Rane. I have always been. Hinihintay ko lang pala na ipaglaban mo ang pagmamahal mo para sa akin bago ako matauhan. And I know its selfish. Sana mapatawad ako ni Aldrich…”
Mula sa pagkakakubli sa likod ng kaniyang sasakyan, naikuyom niya ang kamay. Parang gusto niyong lumipad sa mukha ni Rane, his childhood bestfriend since the world began. Hindi niya alam, may kababalaghan na palang nangyayari sa mga ito habang nasa Pangasinan siya. Ah, hindi pala. Matagal na siyang niloloko ng mga ito— sa loob ng apat na taon.
“As much as I don’t want to hurt my bestfriend, mas ayoko ring masaktan ka pa. Follow your heart, Lorelene. Kung ako talaga ang mahal mo, sabihin mo na agad kay Aldrich na hindi mo siya kayang pakasalan,” sabi ni Rane.
“I will, Rane. I will…”
Nang hindi makayanan, lumabas siya mula sa pinagkukublian. Madilim ang anyong hinarap niya ang mga ito. Gustung-gusto na talaga niyang bugbugin ang traidor niyang kaibigan. Galit na galit siya subalit pilit na pinanatili niyang composed at kalmado ang sarili, kahit pa nagdeklara na ng giyera ang malaking parte ng utak niya.
“So it’s true? I knew it. There was something going on with you.” Malamig ang boses na aniya. Yeah, right. Man, don’t you think it’s too late to save your battered ego?
That was a total lie. He didn’t even see it coming, kaya paano niya malalaman na niloloko na pala siya ng mga ito? Hindi niya inakalang pagtataksilan siya ng fiancée niya at ang bestfriend niya pa ang ipapalit nito sa kaniya. Hindi rin niya naisip na ang pagiging malamig ni Lorelene sa kaniya nitong mga nakaraang araw ang senyales na may kababalaghan na palang ginagawa ang mga ito sa likuran niya. Ang akala kasi niya noon ay nagtatampo lang ito dahil lately ay hindi sila nakakapag-date.
“A-Aldrich…” mangiyak-ngiyak na ani Lorelene. Tinangka nitong lumapit pero hindi nito nagawa. Marahil ay dahil na rin sa napakasamang tingin na ipinukol niya dito.
“Why?!” sigaw niya. Nangibabaw ang boses niya sa parking lot ng condominium building kung saan nakatira si Lorelene. Pupuntahan sana niya ito upang ayain ito ng date pero ang eksenang iyon ang naabutan niya. “Tell me, how you and R-Rane… Damn it!
“Don’t shout at her, bro. It’s not her fault. Ako ang—” ani Rane.
Hindi na niya napigilan ang sarili. Walang kakurap-kurap na sinapak niya si Rane. Pakiramdam man niya ay nagsikalasan ang mga buto niya sa kamay, mas masakit ang iniinda niya sa puso. Lalo na nang makita niyang dinaluhan ito ni Lorelene.
“I don’t want to see your face again! Both of you!” Iyon lang, nag-walk out na siya at padabog na sumakay sa sasakyan niya.
What they did to him was something unexpected. Pakiramdam niya ay na-backstabbed siya ng paulit-ulit, sa napakatagal na panahon. Sa ginawa ni Lorelene at Rane, hindi lang puso niya ang nasagi, pati na rin ang ego niya. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay mas nagalusan at nasaktan ang huli. Mas masakit talaga iyon dahil sa dinami-dami ng lalaking ipapalit sa kaniya ni Lorelene ay ang bestfriend pa niya.
My bestfriend and my fiancée? He scoffed loudly. Paulit-ulit siya dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala.
Salamat na rin at matagal nang natapos ang radiation session ng mga pasyente niya sa pinagta-trabahuhang ospital na pagaari ng ama ni Lorelene. Plano talaga kasi niyang mag-out oftown kasama si Lorelene sa loob ng isang linggo at kalahati. Gusto sana niyang makabawi dito dahil sa pagiging abala niya nitong mga nakaraang araw. Nakapagpa-reserve na nga siya ng slot— Anawangin tour package for two— sa San Antonio, Zambales.
Muli, naging bitter na naman siya. There’s no way I’m going there alone. Damn, damn and damn!
Naisip niya kung sa Basketball Shooters Society ba siya tutuloy upang magpalamig ng ulo. Pero nang lumipad ang tingin niya kay mickey mouse na walang tigil sa pagtango sa dashboard ng sasakyan niya, bigla niyang naalala si Chrissa. Ah, his remaining childhood bestfriend. Ito na lang marahil ang bubulabugin niya.
Linggo, Enero 6, 2013
Happy new year!
What can I say? Happy new year to all of you! 2012 had been-- and will always be-- a memorable year for me. So many ups and downs. A year with a bag of mixed emotions... Struggle of a graduating student, in writing, and most of all, family. Never in my life I realize that this was the last year I would going to spend with the most important person in my life, my mother, nor I even thought that I would never ever spend the next new year with her. I learned how to appreciate life, and realize that life is too short and you will never know how or when your life will end... So, thinking that maybe this is the last year of my life, I just want to grab this opportunity to thank all of the people who became part of my life. Thank you! No, I'm not morbid. That's reality.
Never mind the grammar. May we all have a bountiful year ahead! Dream, believe and survive! :)
So, supposed to be, this entry is late for new year-- jan 1. Well, better late than never. So, happy new year!
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)