Biyernes, Enero 11, 2013

Kapag May Tiyaga, May Nilaga

Share-share din ng status sa facebook.

How are you feeling, Rhoma?

Good question, facebook! I'm soooooo tired. verrrrrry famished. Sa wakas, masasayaran na din ng kanin ang tiyan ko ngaung araw. -_- Its been a looooooong day. Review center in da morning, went straight to our province after to get my form137 then went back here. Gawin bang Cubao ang Pampanga? xD Fifteen minutes lang tinagal ko sa amin. Nakita ko yung panira kong grade sa math nong highschool. Bakit nga ba ako napunta sa Engineering? I quit! De joke. Malapit na ako sa katotohanan e, lisensya na lang. At doon ko din napatunayan na walang bagay na di makukuha sa tiyaga at pananalig sa Kanya.

Dagdag:

Oo, totoo iyon. Noon, hindi talaga ako magaling sa math. Alam ko iyon sa sarili ko, but still, it didn't stop me from taking CE course. Gusto kong hamunin at subukin ang sarili ko. Weird ako, eh. Ang sabi ko, gusto ko, bukod sa pagsusulat ay gusto ko pang may malaman na iba, kaya napunta ako sa mundo ng Civil Engineering.  Ewan. Ganun ako magisip dati. At iyon, unang sem ko sa college, nanibago ako. Pinatikim ng trigonometry ang unang tres ko. Bang! First sem pa lang, may tres na! I was like slapped by the reality na hindi na pala ito highschool. Na hindi uubra ang petiks-petiks lang. Ang sabi ko, "hinamon-hamon mo ang sarili mo, de panindigan mo 'yan." Ayos lang naman ang Algebra ko, kaya nagkapag-asa pa ako na may i-improve pa ako. Nagbago ako. Solve dito, solve doon. I aimed for improvement. I survived my math subjects-- Algebra, trigonometry, solid mensuration, plane geometry, analytic geometry, differential aclculus, integral calculus, statistics and probability. Nakuha lang yan sa tamang pagaaral. May konting saya din (libot ng konti sa mall together with friends) pero siyempre aral pa din sa gabi. Aral kung aral. At siyempre sasamahan din ng dasal sa Kanya. Manghingi lang tayo ng talino at malawak ng pagiisip, bibigyan tayo Niya.

Pero nong third year, seryoso na! Doon na nagsimula ang overnyt aral sa bahay. Fourth year, overnight with friends and classmates na. Tiyaga-tiyaga lang sa building designs at projects. Group study ang pinakamainam na paraan para magaral. May alam ang kasama mo na hindi mo alam. At may alam ka din na hindi niya alam. share-share din... :) fifth year, huwag ka ng matulog! (sabi ko sa sarili ko kapag inaabot kami ng umaga sa thesis at designs.) kasi iniisip ko, last year ko na iyon. kaunting tiis pa.  At muli, samahan ng dasal para mas epektibo. :)


Hala! Bakit ako nagkuwento sa college life ko? Ang gusto ko lang namang sabihin, huwag tayong matakot harapin ang mga mahihirap ng bagay at aspeto sa buhay. Isipin na challenge iyon para lalo kang mag-improve at gumaling. Hindi ko sinasabing magaling na magaling na ako sa math pero pwede niyo rin akong tanungin para patunayan iyon :) Kahit practice lang, for board exam hahaha.


So, titiyagain ko na ang pagkuha ko ng lisensiya. Alam kong ibibigay naman Niya iyon sa tamang panahon, basta ginawa ko ang best ko :))))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento