ALDRICH was driving nowhere. Maraming bagay ang lumutang sa kaniyang isip. Lorelene. Rane. Chrissa. His family. His job. His shattered future. Sa isang iglap, hindi na niya alam kung alin sa mga pangyayari sa buhay niya ang totoo at hindi. Kung aling mga bagay ang matatawag niyang kaniya at hindi niya pagaari. Kung ano nga ba ang mga nais niya sa buhay. The feeling of betrayal sank in through him. And it hurt like hell.
Damn them! Wala siyang masamang ginawa sa mga ito. In fact, he’d always been there when they needed him. Paano iyon nagawa ni Lorelene at Rane sa kaniya?
“Four years, Lorelene! Bakit kailangan mo pang paabutin sa ganito? Aldrich’s my bestfriend, for goodness’ sake!” Hinapit ni Rane si Lorelene— his beautiful, close-to-perfect fiancée— at sa isang iglap ay magkayakap na ang mga ito. “But I love you. Kahit gaano mo pa ako saktan, mahal pa rin kita.”
“I’m so sorry. Everything is just a misunderstanding. Hindi ako ang perpektong babae na nababagay para kay Aldrich. Hindi ko na kayang magpanggap. Ang akala ko, magiging masaya ako sa naging desisyon ko. Until you confessed your feelings for me. Ikaw pa rin pala ang mahal ko, Rane. I have always been. Hinihintay ko lang pala na ipaglaban mo ang pagmamahal mo para sa akin bago ako matauhan. And I know its selfish. Sana mapatawad ako ni Aldrich…”
Mula sa pagkakakubli sa likod ng kaniyang sasakyan, naikuyom niya ang kamay. Parang gusto niyong lumipad sa mukha ni Rane, his childhood bestfriend since the world began. Hindi niya alam, may kababalaghan na palang nangyayari sa mga ito habang nasa Pangasinan siya. Ah, hindi pala. Matagal na siyang niloloko ng mga ito— sa loob ng apat na taon.
“As much as I don’t want to hurt my bestfriend, mas ayoko ring masaktan ka pa. Follow your heart, Lorelene. Kung ako talaga ang mahal mo, sabihin mo na agad kay Aldrich na hindi mo siya kayang pakasalan,” sabi ni Rane.
“I will, Rane. I will…”
Nang hindi makayanan, lumabas siya mula sa pinagkukublian. Madilim ang anyong hinarap niya ang mga ito. Gustung-gusto na talaga niyang bugbugin ang traidor niyang kaibigan. Galit na galit siya subalit pilit na pinanatili niyang composed at kalmado ang sarili, kahit pa nagdeklara na ng giyera ang malaking parte ng utak niya.
“So it’s true? I knew it. There was something going on with you.” Malamig ang boses na aniya. Yeah, right. Man, don’t you think it’s too late to save your battered ego?
That was a total lie. He didn’t even see it coming, kaya paano niya malalaman na niloloko na pala siya ng mga ito? Hindi niya inakalang pagtataksilan siya ng fiancée niya at ang bestfriend niya pa ang ipapalit nito sa kaniya. Hindi rin niya naisip na ang pagiging malamig ni Lorelene sa kaniya nitong mga nakaraang araw ang senyales na may kababalaghan na palang ginagawa ang mga ito sa likuran niya. Ang akala kasi niya noon ay nagtatampo lang ito dahil lately ay hindi sila nakakapag-date.
“A-Aldrich…” mangiyak-ngiyak na ani Lorelene. Tinangka nitong lumapit pero hindi nito nagawa. Marahil ay dahil na rin sa napakasamang tingin na ipinukol niya dito.
“Why?!” sigaw niya. Nangibabaw ang boses niya sa parking lot ng condominium building kung saan nakatira si Lorelene. Pupuntahan sana niya ito upang ayain ito ng date pero ang eksenang iyon ang naabutan niya. “Tell me, how you and R-Rane… Damn it!
“Don’t shout at her, bro. It’s not her fault. Ako ang—” ani Rane.
Hindi na niya napigilan ang sarili. Walang kakurap-kurap na sinapak niya si Rane. Pakiramdam man niya ay nagsikalasan ang mga buto niya sa kamay, mas masakit ang iniinda niya sa puso. Lalo na nang makita niyang dinaluhan ito ni Lorelene.
“I don’t want to see your face again! Both of you!” Iyon lang, nag-walk out na siya at padabog na sumakay sa sasakyan niya.
What they did to him was something unexpected. Pakiramdam niya ay na-backstabbed siya ng paulit-ulit, sa napakatagal na panahon. Sa ginawa ni Lorelene at Rane, hindi lang puso niya ang nasagi, pati na rin ang ego niya. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay mas nagalusan at nasaktan ang huli. Mas masakit talaga iyon dahil sa dinami-dami ng lalaking ipapalit sa kaniya ni Lorelene ay ang bestfriend pa niya.
My bestfriend and my fiancée? He scoffed loudly. Paulit-ulit siya dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala.
Salamat na rin at matagal nang natapos ang radiation session ng mga pasyente niya sa pinagta-trabahuhang ospital na pagaari ng ama ni Lorelene. Plano talaga kasi niyang mag-out oftown kasama si Lorelene sa loob ng isang linggo at kalahati. Gusto sana niyang makabawi dito dahil sa pagiging abala niya nitong mga nakaraang araw. Nakapagpa-reserve na nga siya ng slot— Anawangin tour package for two— sa San Antonio, Zambales.
Muli, naging bitter na naman siya. There’s no way I’m going there alone. Damn, damn and damn!
Naisip niya kung sa Basketball Shooters Society ba siya tutuloy upang magpalamig ng ulo. Pero nang lumipad ang tingin niya kay mickey mouse na walang tigil sa pagtango sa dashboard ng sasakyan niya, bigla niyang naalala si Chrissa. Ah, his remaining childhood bestfriend. Ito na lang marahil ang bubulabugin niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento