The result of the external Audit last wednesday was exemplary! Nakakatuwa kasi pinaghirapan talaga namin na ma-accomplish lahat ng mga dokumento para sa audit na iyon. Everybody was in festive mood after the audit. One of the unforgettable days of my life. Kasi for the first time, na-acknowledge lahat ng pinaghirapan ko... although i still need to improve as an Office Engineer, at least i learned how to be a Site Document Controller. Nakakatuwa ^_^
Wala kaming celebration the night of the day ng audit. (take note: when you say celebration, inuman ang ibig sabihin no'n :P) hehehe... Wala kasi iyong project manager namin, tapos nagkaproblema sa budget kasi may nadisgrasyang kung ano tapos iyong pang-inom ay doon napunta. haha! Oo, naghihirap din (madalas ang mga inhinyero.) Pero natuloy naman ang "celebration" the night after the day ng audit... Kagabi.
It was also one of the unforgettable moment of my life! First time kong uminom ng madami tapos nagsuka pa ako no'ng papatulog na. Nakarating pa naman ako ng CR, thank goodness. Ang nangyari kasi, ako pa ang ginawa nilang dahilan para magaya ng inuman. HAHA! "Broken Hearted" daw kasi ako.
I have no choice kundi ikuwento ang walang kakulay-kulay na lovelife ko. Kung paano ako umasa sa isang taong hindi naman kayang suklian ang pagtingin ko. NAKS! ang lalim. xD Ang mga walanghiya, gusto pa akong pagawan ng nobela tungkol sa project namin, iyon daw ang gawin kong setting. Waaaa! Kaya ko kaya? Kapag gusto, may paraan. Maybe i'll work it out sa mahal na araw. :)
Hosiya i gotta go folks. ^_^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento