Lunes, Agosto 17, 2015

Lost Stars

I want to write! I want to write! I want to write! I can feel it in my bones right now. LOL. Gusto ko lang na may mapagbuhusan ng nararamdaman ko, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko dito. I'm so full of romantic thoughts (well, thanks for my boyfriend. Ang sweet kasi!) at dahil hindi ko naman siya nakakasama everyday gaya ng dati, walang mapaglagyan ng kilig ko. I really want to write again. So... I think magsisimula na akong magsulat ng isang nobela. Uumpisahan ko ngayon, pagkatapos ay buong araw ako magsusulat sa quezon city day, at sa susunod pang mga araw. Maraming holidays! hehehehe... Sana magawa ko...

Anyway, sobrang nag-enjoy na naman ako sa araw ko kahapon. Weekend e, meaning, a day with my man na naman. He visited our house saturday night after his work for sleepover. Bonding time kasama ang Aunt ko. By morning, sabay kaming sumamba sa Kapilya to worship. Then we head straight to the mall for our date :)

Super happy lang coz i got the chance to see him during the weekend pero nagaalala lang din ako na baka kinukuha ko na ang natitirang araw niya para magpahinga kasi sunday lang ang off sa construction industry. Since maraming holidays next week, I told him na depende sa kaniya kung gusto niya kaming magkita ulit, pero itinaboy ko na lang siya dahil baka masakal na siya. xD I wanted him to interact with different person naman kasi iyon ang nakikita kong gusto niya. At ska, ako rin kasi ay nalulunod sa affection namin sa isa't-isa, na tipong sa kaniya na nakadepende ang emosyon ko sa araw-araw.

So I said I will write, para doon ko maibuhos lahat ng emosyon ko sa kaniya. My first love was so overwhelming, at kapag hindi ko kinontrol ay baka ako rin ang makasira sa lahat. It was perfect, he was a charming, kind and lovable partner, and i don't want to make him feel imprisoned with my love. I want him to be as free as possible, but still knowing his way back in my loving arms...

Kailangan ko na lang sanayin ang sarili ko na hindi siya palaging kausap. Chat is okay, pero limitahan na, kasi kahit nagwo-work ako ay hindi ko mapigilan.

Anyway, working hours pero ito ang ginagawa ko. Sorry na.

Ipagpapatuloy ko ang kuwento next time :)

Anyway, ang title ng entry na ito ay isa sa mga paborito kong kanta at pinapakinggan ko ngayon.

Love,

Amohr

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento