Lunes, Nobyembre 23, 2015

It Started With an End...

Six months and a half month ago... It started with an "end". Sinamahan niya ako na magdala ng mga gamit ko sa bahay namin dahil mag-reresign na ako. "End" -- dahil nalalabi na lang ang araw na magkakasama kami. Pero ang nangyari, pinigilan niya ako. So our love story started...

Hindi ko masasabing we're the best of friends, but we're close. Close to the point na 9 months ko siyang kasama, umaga hanggang gabi, pito o anim na araw sa isang linggo (24/7), dahil nakatira kami sa iisang staff house. Yeah, technically, we started as two persons living together-- with co-workers, ofcourse. We're housemates sa bahay, you know. 

He was just simple, no complications. Hindi siya madalas maglakwatsa, madalas ay nasa staffhouse lang tuwing sundays habang kami ay umuuwi sa kaniya-kaniyang mga tahanan. Pero minsan, hindi na din ako umuuwi ng sundays dahil iyon lang ang wash day namin, "free time" para makabonding ang isa't-isa.

Kilalang-kilala ko na ang taong 'to na kahit pag-utot niya ay alam ko. Lahat. Kaya thankful din na nakilala ko siya sa paraang ganito, hindi tulad ng mga ibang magkasintahan na mga mababangong ugali muna ang ipinapakita sa isa't-isa.

Noong naging kami, mas sumaya ang mga araw ko. I never thought i could be happy with a man. Ganoon pala magmahal. Literal na may mga glitters kapag magkasama kayo... (Korni)

Time passed by, and everyday, i'm loving him more. He was like my favorite song, playing on and on in my mind. He always encircle my thoughts, kung kumusta na ang araw niya, kung nakauwi na kaya siya, nakakain na kaya siya... Yeah, it was kind of terrifying feeling of depending on someone, as much as it sounds like a paranoid person. xD But its okay, noong tinanggap ko siya, binigay ko sa kaniya ng buo ang puso ko. Kaya wala ng bawian. HAHA

Nararamdaman ko naman that he was feeling the same too because of his efforts. Bagamat madalas akong magtampo because he was not too clingy, or showy to his feelings, but the way he looked at me when he suddenly wants to look at me, it was very overwhelming. Bakit ko nga pala sinasabi na hindi siya showy? Dahil ayaw niyang nakikipagholding hands in public. LOL Basta ayaw niya ng mga intimate moment (PDA) sa public-- Which i understands. Pero kapag mainit ang ulo ko (alam niyo na kung bakit--Hormones HAHA), nagtatampo ako dahil baka kako kesyo kinahihiya ako or may ibang gf na pinagtataguan or something. But everytime na inaaway ko siya dahil doon, hahawakan na niya ang kamay ko, tatawa lang at maglalambing. Hayyy. How can I resist.....

Anyway, nasa kaniya lahat ng tiwala ko pagdating sa bagay na 'yon. He was the kind of person that i could trust. Maybe because I know how God-fearing he was.

He also introduced me to his religion and i am looking forward to be one of them. Lagi kong sinasabi na hindi dahil sa kaniya (mostly) kung bakit ako umanib sa kanila, but i really believe to what they are believing in. It was more on the enlightenment. And that was the reason why I was very thankful that God gave me him. Dahil lalo akong naging malapit sa Diyos. Lagi ko ring ipinagdarasal na patnubayan Niya ang relasyon namin.

I am happy to be with Him I couldn't ask for more. Clingy man akong girlfriend, ayos lang. Lagi kong sinasabi sa ibang mga magmamahal na maaring huwag ibigay ang buong pagmamahal mo kay "mr. right", pero that's your choice. And I chose to give all the love I could give to him so that there are no regrets later.

Sabi ko nga, "I'm gonna love you like I'm gonna lose you,"

Kanta lang.

LOL


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento