I always believed that I have a better future. My failures and success always remind me of that. Oo, ambisyosa ako pero sino bang hindi? I want to excel in my career. I worked hard for it and I believe I deserve a job that I think i would enjoy and give me many learnings, not just in technical knowledge but also as a person.
Ang sabi nga, "Choose the job you love and you will never have to work in your entire life". I saw how my brother lost his interest in his field because he didn't like his job (sana nga matagpuan na niya kung ano talaga ang gusto niyang trabaho as an Electronics Engineer). Ang mga experiences ng ibang tao at experiences ko ang kadalasang nakapagbibigay ng aral sa akin sa buhay. Para sa akin, marami kang matututunan sa mga pagkakamali mo-- at ng ibang tao. That is the reason why I want a job na makakapagpasaya sa akin. I always follow my gut feeling and proceed to what i really want. Kagaya na lang ng nangyayari sa akin ngayon.
There was this company that I applied last week. One day lang, hired na ako. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman, matutuwa ba ako na sa wakas ay may trabaho na ako? Pero ang bilis kasi. Haha. May mga kompaniya pa akong in-apply-an at kasalukuyang naghihintay ng feedback. Inisip ko, kapag tinanggap ko ito, paano na ang mga dream company ko? My strategy is this: Inuna kong apply-an ang mga dream company ko. Mayroong nagsabi sa akin na never lose hope sa pag-aapply. Yes, i never lost my hope. Kaya nga ngayon, naghihintay pa rin ako, e! hehe. So ayun, kaya nga no'ng tinawagan ako ng Hyder Consulting Middle East para mag-exam, sa sobrang excitement ko ay naka-OO ako. Oo, alam kong exam pa lang iyon at may chance na hindi ako tanggapin at sa huli ay makakarinig ako ng walang kamatayang "We'll call you" pero sinong hindi mae-excite kapag pinagbuksan ka ng pinto para matupad `yong pangarap mo? Hyder's been my dream company. Actually, I want to enter construction industry because it's an in-demand job but I also want to try structural engineering-- to design buildings, bridges and many infastractures, urban planning, etc. But God, please help me to win this company. I am a versatile person, to the point that i don't know what really matters to me if its construction or structural, or hydraulics and water resources planning (because i also excel in Hydraulics and Geotechnical Engineering. Hehe.) Hindi ako gaano katalino sa Structural pero naniniwala akong kaya ko siya. Kakayanin. Kasi kapag gusto, gusto, kapag ayaw, maraming dahilan. HAHA.
Ang Hyder ang dahilan kung bakit ko tatalikuran ang paniguradong trabaho para sa akin. Maybe because i wasn't thrilled to the position (office engineer pero sa site project naka-base). Lumaki ako na puro pagsubok at laging may aabuting goal-- and that is to surpass myself. In the first place, kaya nga ako kumuha ng Civil Engineering ay dahil gusto kong malaman kung hanggang saan nga ba ang kakayahan ko at para may mapatunayan sa sarili ko. At hanggang ngayon, sa paghahanap ng trabaho, yun pa din ang hinahanap ko. Siguro, pangalawa na lang `yong salary at iyong company. Choosy na kung choosy, pero sino bang ayaw sa mas established na na kompanya? Hangga't may chance pa, go lang ng go. Dahil kapag nawala na ang chance na `yan, baka pagsisihan ko lang sa huli. I may think in the future that "What if i did that...?". But i know i could be making a decision na makakadisappoint lang sa akin. Pero hayaan na, ang sabi nga, ay wala namang maling desisyon kung paninindigan mo `yon. Kaya paninindigan ko na ito.
I will take the risk of getting my dream job than to play safe and not be happy.
This is Engr. Rhoma Reyes, signing off. :)
PS: Napapansin kong dumarami ang views ng blog ko. Bakit kaya? Nasanay ako na lima o sampung views lang ang inaabot ng blog ko, hindi ko naman kasi goal ang maging sikat sa larangan ng blogging. Kung sino ka mang nagbabasa ka, kung nandito ka para insultuhin ako o kastiguhin ang mga paniniwala ko sa buhay, well, I'm sorry to say, nagaaksaya lang po kayo ng oras. I wouldn't let the behaviors of others disturb my inner peace. Itago niyo na lang sa sarili niyo ang rants niyo at magsulat kayo ng sarili niyong blog. Okay? HAHA
Ako present dito! :)
TumugonBurahinThe loving fan and talkative friend of yours. :)
- Paula at your service.
Go ate. Bring the lechon home. :)