Paumanhin mga katoto, ngayon lang ulit ako nakapagpost dito.
Kaya hello!
Hmmm. The truth is, i feel like im no longer a writer. Yes, I'm not a writer anymore. Hindi na kasi ako nagsusulat. I just can't write. Bigla akong nawalan ng drive magsulat. Actually, ginawa ko na ang lahat para bumalik ang drive ko sa pagsusulat. Nanood ng movies, nagbasa ng ibang novels... Tumingin sa mga gwapo? Haha! Pero walang effect. Sheeesh. Maybe i'm done with writing.
Hindi ako malungkot naiiwan ang industriyang ito because i gained many friends from writing. Oh well, lahat naman ay may hangganan pero hindi ko tatalikuran ang mga memories ko together with my co-writers and readers. Sana kahit hindi na ako nagsusulat, maalala pa rin nila ako at ituring na kaibigan.
Iyon lang ay may isa akong problema. May pending manuscript pa ako na kailangang isulat under Camp Speed series. Ang totoo, gusto ko na siyang sukuan. Ayokong maging pabigat sa Team CS. Hangga't kasi hindi ko natatapos at hindi pa ito naaapprove, hindi lalabas ang batch 2. I'm so sorry, guys. I just can't make it. I don't want to be a burden sa inyo. I know how much you love this series and i just can't take na ako pa ang magpapa-delay dito just because i can't write. Alam ko kung gaano ka-overwhelming ang feeling ng nagkakaroon ng release na book. Tapos pipigilan ko pa ang kaligayahan niyong iyon?
I will never forget my friends that i gained from writing industry-- Karen, Abby, Nikka and Princess. Real name nila ang binanggit ko kasi sa totoong katauhan nila ko sila naging kaibigan, hindi sa kanilang pen name. Hindi ko sila naging kaibigan kasi sikat at magagaling silang writers, they are my friend because i accepted them as who they really are-- flaws and all-- and they accepted me as the real me. I love you friends. Sana kahit hindi na ako kabilang sa mundo niyo ng pagsusulat, isama niyo pa din ako sa mga "gimmick" niyo. Hindi ako sasama bilang si Skye Reyes, kundi si Rhoma na handang makinig sa lahat ng mga chika niyo (kahit sabay-sabay pa kayong magsalita) haha. Multi-tasking ang peg? LOL! I'm so sorry if i have to leave this hit series. Alam kong mas gaganda ang series na ito kahit wala ako. Kaya niyo 'yan! Ajaaaaa! I'm always here to cheer you up! Susuportahan ko kayo lagi.
Maybe i was just overwhelmed to the fact that i passed my licensure exam thats why i cannot write. Hindi kasi ako isang multi-tasker. Parang hindi ako mapakali sa buhay ko, na lagi kong naiisip na kailangang gamitin at ma-apply ko ang lisensya kong iyon, or else baka sa engineering naman mawala ang interes ko. Ang totoo, nabo-bother din ako dahil wala pa akong trabaho. I feel very useless, lalo na at hindi rin ako makapagsulat. Although nakakapagpahinga ako, torture din pala ang walang ginagawa sa bahay.
Ang wish ko lang naman ay makapag-hanap ako ng trabahong makakapagpasaya sa akin. Oh, forget about the lovelife. Darating din iyan. Hindi iyan ang nangunguna sa list ko. XD Anyway, s-um-egway lang, ang gusto kong trabaho ay iyong may matututunan ako. Kahit sakto lang ang sahod, papatusin ko na, basta marami akong matututunan. You see, im not really into how much is my salary, but how i will gain my experience to be a better Civil Engineer and how i will surpass myself. Basta nakakaipon lang ng kaunti, ayos na. Alam kong darating ang araw na sa experience at nalalaman ko, tataas din iyan. Hehehehe!
Oh, ang haba na. Next time na lang ulit.
God is good, ALWAYS.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento