Minsan, nakakapagod ng umiyak. Ang sabi nila, kapag umiyak ka daw, magiging maganda ang pagkiramdam mo pagkatapos dahil nailabas mo na ang lahat ng sama ng loob mo. Sa kalagayan ko, hindi, e. Kadalasan kasi akong inuuhog ng ilang araw kapag umiyak ako at hindi 'yon maganda sa pakiramdam. Kapag pinigilan mo naman ang iyak, ang sakit din sa ulo at puso, literal. Masakit. Pati sa atay at balunbalunan. Kaya minsan, sumasakit din ang tiyan ko. Jusko, mamamatay na yata ako. Wag naman, 'di pa ko nagkaka-love life.
Hmmm. I miss my mother. I miss my father. I miss my brother. At ngayon, ang sakit ng ulo at puso ko dahil pinipigilan kong umiyak, nasa MRT ako. Kapag kasi ganitong nakatunganga ako at walang ginagawa kundi mag-antay ng istasyon kung san ako bababa, ang dami-dami kong naiisip na nakakapagpa-depress madalas sa 'kin. Minsan naiisip ko, wala na ba akong maiisip na masaya? 'yong matatawa't mapapangiti naman ako para mapagkamalan akong baliw sa MRT. Masaya kayang mapagkamalang baliw? Ma-try nga.
Hanggang ngayon, iniiwasan kong sumulat ng artikulo na nagsasabi ng lahat ng hinanakit ko at pagsisisi patungkol sa pagkamatay ni mama at ang relasyon namin ng papa ko at kuya ko. Ang hirap ilabas.
Sana nga totoo 'yung sinasabi nila na kapag inilabas mo lahat ng nararamdaman mo e magiging okay na ang pakiramdam mo pagkatapos. Iipunin ko lahat ng tapang ko para ilabas iyon.
Hanggang sa muli.

posted from Bloggeroid
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento