Linggo, Setyembre 22, 2013

Letters From The Past

As I was browsing through the letters i have received during the past six years of my life (since 2007) and read my diary (during first sem, 2nd year college, 2008), i suddenly felt nostalgic. Sino bang hindi? Even the letters were heartwarming. I wish i could hug the sender who sent those letters everytime i finish reading the letters one by one.

To my friends, I wish i could apologize to them for being so serious back then. I was a very serious person. Was. Anyway, we're still friends kaya kapag nagkita kami one of these days, sasabunutan ko na lang yong mga yon. hehehe. chossss! I love my bestfriends... Ang dami na naming napagdaanan, ang we're still friends until now. Nagkikita-kita kapag may time even though may kaniya-kaniya ng trabaho.

Oh, well... back to the letters. There's this letter... from... special someone. He was one of our classmate. I remember whenever he would talk to me, lagi niyang kinukuwento kung paano ko daw siya napabilib noong nag-solve ako sa blackboard noong differential calculus namin. LOL He wrote that letter during my 18th birthday (third year na ako non, one year ago simula noong una ko siyang nakilala). I also wish i could hug him right now. Gusto kong sampalin ang sarili ko sa pambabalewala ko sa kaniya. I'm so childish. Takot kasi ako sa relationship noon since studies first naman talaga ako. (sigh) After reading the letter, napangiti ako ng mapait at gustong mapakanta: "Why can't it be the two of us?" LOL. Ang tanga ko kasi natakot ako... ilang beses kong tinanggihan iyong movie date na pinaguusapan namin dati. We even had an agreement na "kami na," noong August 28 yata iyon. Nakasulat sa papel. Anyway, iche-check ko sa aking diary. Malamang ay naroon iyon. So, nawala ko iyong papel kung saan na nakasulat na "kami na". Ang tanga lungs. One of this days, i promise na kakalkalin ko iyon sa mga papel ko sa bahay. (hindi kasi ako nagtatapon ng papel)

God knows how I want to say "yes" when he asked me if we could go out and watch movie. Nagpaalam ako sa mother ko but hindi niya ako pinayagan. I remember regretting na nagpaalam ako. Sana tumakas na lang ako. HEHE So bantay sarado si mother dear nung sabadong iyon... talagang hindi ako nakalabas ng bahay.

Although natuloy ang movie date namin, wala na si mother dear para suportahan ako. Nagkita lang kasi at nakausap ko siya noong burol ni mother. Biro mo, nag-effort pa siyang samahan ako sa pinakamalungkot na bahagi ng buhay ko sa kabila ng... *sigh* We went out last valentines day (nilibre niya ako. hehe) and no'ng pumasa ako ng board, bilang isa sa mga celebration ay ako naman ang nanlibre sa kaniya. LOL

After reading his letter, i was like: "Sayang, ganito pa rin kaya ang feelings mo sa akin ngayon? I have no idea." I really, really wanted to ask him right now, but as usual takot na naman ako. Diosmio, sana po huwag niyang mabasa ito. HAHA. Hmmm..

I want to thank him for being special to me since day one. He may not be there everyday, but i can feel his presence during the most important days of my life, nakakalungkot man, masaya o sakto lang Anyway, siguro ay panapanahon lang. May iba man siyang napupusuan ngayon, okay lang, susuportahan ko siya. ^_^

Ang drama kooooo! chosssss. throwback sunday ang drama xD

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento