Martes, Enero 22, 2013

Teaser of ILY, Forever :3

I Love You, Forever
By Skye Reyes
 
Chrissa, Aldrich and Rane were best of friends since forever. Matagal na iningatan ni Chrissa ang pagkakaibigan nila pero nasira iyon nang mabunyag na si Rane pala ang lihim na minamahal ng fiancée ni Aldrich. Naipit si Chrissa sa dalawa niyang kaibigan, pati na  rin sa pagsintang pururot niya para kay Aldrich. Lihim kasing nagbunyi ang puso niya nang maisip na may pag-asa pa ang dalawang dekadang pagmamahal niya para sa kababata.

Sinamahan at inalo niya si Aldrich sa pagkabigo nito. Nang hindi makatiis ay nagtapat siya. Gumuho ang mundo niya nang tanggihan siya nito. Pero isang araw ay binawi nito angsinabi at sinabing subukan umano nila. Kaya naman mula sa pagiging magkaibigan ay naging mag-MU sila.

Tunay na malabong usapan ang namagitan sa kanila dahil isang araw ay nakita niyangmagkayakap ito at ang fiancée nito…
 

Biyernes, Enero 11, 2013

Kapag May Tiyaga, May Nilaga

Share-share din ng status sa facebook.

How are you feeling, Rhoma?

Good question, facebook! I'm soooooo tired. verrrrrry famished. Sa wakas, masasayaran na din ng kanin ang tiyan ko ngaung araw. -_- Its been a looooooong day. Review center in da morning, went straight to our province after to get my form137 then went back here. Gawin bang Cubao ang Pampanga? xD Fifteen minutes lang tinagal ko sa amin. Nakita ko yung panira kong grade sa math nong highschool. Bakit nga ba ako napunta sa Engineering? I quit! De joke. Malapit na ako sa katotohanan e, lisensya na lang. At doon ko din napatunayan na walang bagay na di makukuha sa tiyaga at pananalig sa Kanya.

Dagdag:

Oo, totoo iyon. Noon, hindi talaga ako magaling sa math. Alam ko iyon sa sarili ko, but still, it didn't stop me from taking CE course. Gusto kong hamunin at subukin ang sarili ko. Weird ako, eh. Ang sabi ko, gusto ko, bukod sa pagsusulat ay gusto ko pang may malaman na iba, kaya napunta ako sa mundo ng Civil Engineering.  Ewan. Ganun ako magisip dati. At iyon, unang sem ko sa college, nanibago ako. Pinatikim ng trigonometry ang unang tres ko. Bang! First sem pa lang, may tres na! I was like slapped by the reality na hindi na pala ito highschool. Na hindi uubra ang petiks-petiks lang. Ang sabi ko, "hinamon-hamon mo ang sarili mo, de panindigan mo 'yan." Ayos lang naman ang Algebra ko, kaya nagkapag-asa pa ako na may i-improve pa ako. Nagbago ako. Solve dito, solve doon. I aimed for improvement. I survived my math subjects-- Algebra, trigonometry, solid mensuration, plane geometry, analytic geometry, differential aclculus, integral calculus, statistics and probability. Nakuha lang yan sa tamang pagaaral. May konting saya din (libot ng konti sa mall together with friends) pero siyempre aral pa din sa gabi. Aral kung aral. At siyempre sasamahan din ng dasal sa Kanya. Manghingi lang tayo ng talino at malawak ng pagiisip, bibigyan tayo Niya.

Pero nong third year, seryoso na! Doon na nagsimula ang overnyt aral sa bahay. Fourth year, overnight with friends and classmates na. Tiyaga-tiyaga lang sa building designs at projects. Group study ang pinakamainam na paraan para magaral. May alam ang kasama mo na hindi mo alam. At may alam ka din na hindi niya alam. share-share din... :) fifth year, huwag ka ng matulog! (sabi ko sa sarili ko kapag inaabot kami ng umaga sa thesis at designs.) kasi iniisip ko, last year ko na iyon. kaunting tiis pa.  At muli, samahan ng dasal para mas epektibo. :)


Hala! Bakit ako nagkuwento sa college life ko? Ang gusto ko lang namang sabihin, huwag tayong matakot harapin ang mga mahihirap ng bagay at aspeto sa buhay. Isipin na challenge iyon para lalo kang mag-improve at gumaling. Hindi ko sinasabing magaling na magaling na ako sa math pero pwede niyo rin akong tanungin para patunayan iyon :) Kahit practice lang, for board exam hahaha.


So, titiyagain ko na ang pagkuha ko ng lisensiya. Alam kong ibibigay naman Niya iyon sa tamang panahon, basta ginawa ko ang best ko :))))

Prologue of I Love You, Forever

Okay, dahil feeling ko ang laki ng atraso ko sa inyo dahil matagal pa ako magsusulat, magpo-post na lang ako ng kung ano-ano related sa bagong approve na spin off novel ko, ang story ni Dr. Aldrich Agustin, Kung natatandaan niyo sa nobel kong "My Happy Ever After", kilala natin siyang peacemaker at cool headed guy ng BSS boys (BSS boys talaga? Hehe). Sa novel na ito, makikilala niyo ang other side niya. Nagiging monster kasi siya kapag ang heroine na niya ang pinaguusapan at well... pati na rin ang love conflict na fiancee niya. Broken hearted ang peg ng ating hero. lol. So, ito na. Alam ko, bitin. Pero pagpasensiyahan niyo na :)



ALDRICH was driving nowhere. Maraming bagay ang lumutang sa kaniyang isip. Lorelene. Rane. Chrissa. His family. His job. His shattered future. Sa isang iglap, hindi na niya alam kung alin sa mga pangyayari sa buhay niya ang totoo at hindi. Kung aling mga bagay ang matatawag niyang kaniya at hindi niya pagaari. Kung ano nga ba ang mga nais niya sa buhay. The feeling of betrayal sank in through him. And it hurt like hell.
Damn them! Wala siyang masamang ginawa sa mga ito. In fact, he’d always been there when they needed him. Paano iyon nagawa ni Lorelene at Rane sa kaniya?
“Four years, Lorelene! Bakit kailangan mo pang paabutin sa ganito? Aldrich’s my bestfriend, for goodness’ sake!” Hinapit ni Rane si Lorelene— his beautiful, close-to-perfect fiancée— at sa isang iglap ay magkayakap na ang mga ito. “But I love you. Kahit gaano mo pa ako saktan, mahal pa rin kita.”
“I’m so sorry. Everything is just a misunderstanding. Hindi ako ang perpektong babae na nababagay para kay Aldrich. Hindi ko na kayang magpanggap. Ang akala ko, magiging masaya ako sa naging desisyon ko. Until you confessed your feelings for me. Ikaw pa rin pala ang mahal ko, Rane. I have always been. Hinihintay ko lang pala na ipaglaban mo ang pagmamahal mo para sa akin bago ako matauhan. And I know its selfish. Sana mapatawad ako ni Aldrich…”
Mula sa pagkakakubli sa likod ng kaniyang sasakyan, naikuyom niya ang kamay. Parang gusto niyong lumipad sa mukha ni Rane, his childhood bestfriend since the world began. Hindi niya alam, may kababalaghan na palang nangyayari sa mga ito habang nasa Pangasinan siya. Ah, hindi pala. Matagal na siyang niloloko ng mga ito— sa loob ng apat na taon.
“As much as I don’t want to hurt my bestfriend, mas ayoko ring masaktan ka pa. Follow your heart, Lorelene. Kung ako talaga ang mahal mo, sabihin mo na agad kay Aldrich na hindi mo siya kayang pakasalan,” sabi ni Rane.
“I will, Rane. I will…”
Nang hindi makayanan, lumabas siya mula sa pinagkukublian. Madilim ang anyong hinarap niya ang mga ito. Gustung-gusto na talaga niyang bugbugin ang traidor niyang kaibigan. Galit na galit siya subalit pilit na pinanatili niyang composed at kalmado ang sarili, kahit pa nagdeklara na ng giyera ang malaking parte ng utak niya.
“So it’s true? I knew it. There was something going on with you.” Malamig ang boses na aniya. Yeah, right. Man, don’t you think it’s too late to save your battered ego?
That was a total lie. He didn’t even see it coming, kaya paano niya malalaman na niloloko na pala siya ng mga ito? Hindi niya inakalang pagtataksilan siya ng fiancée niya at ang bestfriend niya pa ang ipapalit nito sa kaniya. Hindi rin niya naisip na ang pagiging malamig ni Lorelene sa kaniya nitong mga nakaraang araw ang senyales na may kababalaghan na palang ginagawa ang mga ito sa likuran niya. Ang akala kasi niya noon ay nagtatampo lang ito dahil lately ay hindi sila nakakapag-date.
“A-Aldrich…” mangiyak-ngiyak na ani Lorelene. Tinangka nitong lumapit pero hindi nito nagawa. Marahil ay dahil na rin sa napakasamang tingin na ipinukol niya dito.
“Why?!” sigaw niya. Nangibabaw ang boses niya sa parking lot ng condominium building kung saan nakatira si Lorelene. Pupuntahan sana niya ito upang ayain ito ng date pero ang eksenang iyon ang naabutan niya. “Tell me, how you and R-Rane… Damn it!
“Don’t shout at her, bro. It’s not her fault. Ako ang—” ani Rane.
Hindi na niya napigilan ang sarili. Walang kakurap-kurap na sinapak niya si Rane. Pakiramdam man niya ay nagsikalasan ang mga buto niya sa kamay, mas masakit ang iniinda niya sa puso. Lalo na nang makita niyang dinaluhan ito ni Lorelene.
“I don’t want to see your face again! Both of you!” Iyon lang, nag-walk out na siya at padabog na sumakay sa sasakyan niya.
What they did to him was something unexpected. Pakiramdam niya ay na-backstabbed siya ng paulit-ulit, sa napakatagal na panahon. Sa ginawa ni Lorelene at Rane, hindi lang puso niya ang nasagi, pati na rin ang ego niya. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay mas nagalusan at nasaktan ang huli. Mas masakit talaga iyon dahil sa dinami-dami ng lalaking ipapalit sa kaniya ni Lorelene ay ang bestfriend pa niya.
My bestfriend and my fiancée? He scoffed loudly. Paulit-ulit siya dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala.
Salamat na rin at matagal nang natapos ang radiation session ng mga pasyente niya sa pinagta-trabahuhang ospital na pagaari ng ama ni Lorelene. Plano talaga kasi niyang mag-out oftown kasama si Lorelene sa loob ng isang linggo at kalahati. Gusto sana niyang makabawi dito dahil sa pagiging abala niya nitong mga nakaraang araw. Nakapagpa-reserve na nga siya ng slot— Anawangin tour package for two— sa San Antonio, Zambales.
Muli, naging bitter na naman siya. There’s no way I’m going there alone. Damn, damn and damn!
Naisip niya kung sa Basketball Shooters Society ba siya tutuloy upang magpalamig ng ulo. Pero nang lumipad ang tingin niya kay mickey mouse na walang tigil sa pagtango sa dashboard ng sasakyan niya, bigla niyang naalala si Chrissa. Ah, his remaining childhood bestfriend. Ito na lang marahil ang bubulabugin niya.




Linggo, Enero 6, 2013

Happy new year!

What can I say? Happy new year to all of you! 2012 had been-- and will always be-- a memorable year for me. So many ups and downs. A year with a bag of mixed emotions... Struggle of a graduating student, in writing, and most of all, family. Never in my life I realize that this was the last year I would going to spend with the most important person in my life, my mother, nor I even thought that I would never ever spend the next new year with her. I learned how to appreciate life, and realize that life is too short and you will never know how or when your life will end... So, thinking that maybe this is the last year of my life, I just want to grab this opportunity to thank all of the people who became part of my life. Thank you! No, I'm not morbid. That's reality. Never mind the grammar. May we all have a bountiful year ahead! Dream, believe and survive! :) So, supposed to be, this entry is late for new year-- jan 1. Well, better late than never. So, happy new year!

Sabado, Hunyo 16, 2012

The day after tomorrow

So... Im so sad. Sad. Sad. Sad. Hmm. My mother did not allowed me to go to the booksigning at SM sta rosa. Its just so sad of me. Nakaplano na kc e. *sigh* i couldnt blame her though. Pero nakakasama pa din ngloob. And the day after tomorrow? Nothng anusual. It was just another day of my life.

Linggo, Mayo 27, 2012

Sino si Skye Reyes?

Una sa lahat, bakit ko ginawa itong artikulo na `to. Ang sagot, wala lang. Trip ko, eh. Bakit, may angal? Ang taong nasa likod ng mga nobelang binabasa niyo ay isang tao. (obvious ba? Haha!) De, joke. Seryoso na. Haha Ang totoo, si Skye Reyes sa personal ay…

1. Seryoso - totoo po ito. Hindi halata, ano? Itanong niyo pa sa kinauukulan. :) Pramis. Wala akong sense of humor, hindi marunong magpatawa at hindi ako ang tipo ng clown. Kapag tahimik ang isang tao, tahimik rin ako. Malalaman niyo sa pangalawang numero kung bakit. Iyong tipo na baka mapanisan na kayo ng laway kapag hindi niyo talaga ako kinausap dahil never akong kumakausap sa taong hindi ko kilala maliban na lang kung importante. Kaya boring akong kasama. ^-^

2. Mahiyain - Check! Ako ang tipo ng taong nanliliit sa harap ng ibang tao, kahit walang ginagawang masama. Basta. Ganoon lang ako. Isang tanong, isang sagot lang din. Iyon ang dahilan kung bakit po hindi ako nagsasalita kung hindi ako kinakausap. Mahiyain po ako, eh. :) Mahiyain ako, lalo na sa harap ng crush ko. (ayieeh) haha! Natitiklop talaga ako. Parang ABAKADA lang ang kaya kong sabihin sa tuwing mangyayari `yan. Waaaaaaa! Nakaka-shy. xD Nahihiya rin ako kapag kino-complement ako ng isang tao. Mahiyain akong mag-english sa harap ng ibang tao. Alam ko kasi kung gaano kalupit ang ibang tao na akala mo, kung sino silang napakagaling mag-ingles kapag napansin nila ang maling grammar mo, samantalang ang gusto mo lang naman ay ma-practice ang wikang ingles. Pero, ganoon pa man, datapwa't, subalit kahit na ganoon… Madalas akong mag-ingles sa mga entry ko sa Diary ko. Oo, tatanggapin ko naman kung itatama nila ang pag-iingles ko, pero nahihiya lang talaga ako. Mahiyain ako, remember? Haha!

3. Mababaw ang kaligayahan - Sa totoo lang, mababaw lang ang kaligayahan ko. Kadalasan sa nakapagpapasaya sa akin ay hindi mga materyal na bagay. Hindi ako nagmamalaki o ano, pero sa totoo lang, hindi ako maluho na tao. Hindi ako napapasaya ng lahat ng mamahaling bagay-- mamahaling relo, cellphone, pagkain-- basta lahat ng mamahalin. Kuntento na ako sa mga simpleng bagay. Alam niyo ba kung anong mamahalin ang naaappreciate ko? Mamahaling notebook-- bakit? Mapili po ako sa kalidad ng papel na pinagsusulatan ko. Maarte po ako pagdating sa notebook ko. Itanong niyo pa sa mga presidente ng Pilipinas! Haha Joke. Hindi, walang biro. Ang pinaka-off limits sa mga gamit ko ay ang notebook ko. :) Ay teka, bakit napunta sa notebook ang usapan? Ah, balik sa mababaw ang kaligayahan topic. Haha! As I was saying, mas nasisiyahan ako sa mga intangible things. Hindi ko ma-explain pero masaya ako kapag kasama ko ang mga taong mahahalaga sa paligid ko. Kapag naaappreciate ng mga tao ang ginagawa ko (gaya ng nobela ko), kapag natanggap ang nobela ko, kapag nakakuha ako ng mataas na grades o kahit pumasa lang sa eksam, marami pa. Ako ang tipo ng tao na super nakaka-appreciate kahit maliliit na bagay sa paligid ko. :) - Iharap niyo lang sa akin ang sandamakmak na libro, mapa-mathematics, fiction at non-fiction books, masaya na ako. I love reading books, eh. Obvious ba? Haha!

4. Hindi Pilosopo. - Ah, kung hindi niyo naitatanong, wala sa dugo ko ang pagiging pilosopo. Hindi ako nakasalo ng ganyang pagiisip,eh. Sa totoo lang, medyo naiirita ako kapag binabara ako ng papilosong paraan. `Yong tipong seryoso kang magsasalita, pagkatapos, babarahin ka para lang pilosopohin ka? Haha! Oh, baka naman isipin niyo, ayaw ko kayong maging kaibigan dahil pilosopo kayo? HINDI PO. Ang totoo, may bestfriend ako na nuknukan ng kapilosopohan. (Alam mo na kung sino ka) haha! Pero magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Bakit? Marunong akong rumespeto ng opinyon ng isang tao. Kung iyon ang gusto mong isipin, so be it. Sinasabi ko naman kapag naaasar na ako. At least, alam niya `di ba? Peace! :P 

Miscellaneous:
Si Skye ang tipo ng tao na hindi makatingin ng diretso sa guwapong lalaki. :P haha! Ayaw ng nakakaabala sa kapwa.
Ayaw magtapon ng basura sa hindi basurahan.
Ayaw ng usok ng sigarilyo (sorry po :P) haha
Mahilig magbasa ng pocketbooks. (kailangan pa bang i-memorize `yan?) boplaks palagi.
Hindi eksperto sa Dama, chess, scrabble. Name it.
Mas naipapakita ang kakayahan sa pagsusulat kaysa sa pagsasalita.
Takot sa rejection.
Ayaw ng confrontation.
Engineering student na mahilig sa romance novels. (Masyadong related `no?)
May pagka-pessimist, minsan.
Friendly sa taong friendly.
Mahilig magsulat ng mga pangyayari sa buhay sa isang Diary.
Hopeless romantic.
Selosa?
Haha! Kapag nagsusulat, tahimik lang sa bahay.
May pagkatamad.
Medyo magastos.
Ayaw sa kulay Pink
May pagka-boyish.

Ano pa? `Yon lang muna :) Maraming Salamat sa pagbabasa. Wala lang po talaga akong magawa.

NOTE: Pawang katotohanan at walang pagkukunwari ang mga nakasulat diyan. Bawal ang Pilosopo. Haha! De, joke. Tandaan po lamang na hindi po ako PERPEKTO. TAO lang din po ako na may hindi magandang katangian. Overall, ako ito, eh. Huwag niyo po sana itong husgahan. Sana po hindi po ito makaapekto sa pagbabasa niyo ng mga akda ko. Baka hindi na kayo bumili ng books ko, eh. Hahaha! Hanggang sa MULI :)

I'm back!

Well, well, well. what can i say? I just want to update my blog. two years ago... i'm just a simple engineering student just like every one else... after sometime, i tried to do things that i didn't used to do and that changed my life. As of now... I'm a part time romance writer, still a struggling engineering student waiting to see the ray of light... hoping to fulfill my ultimate dream this year. but anyway, i can do this! *cheers myself* ^-^ HAPPY DAY :)