Linggo, Hunyo 23, 2013

YOU KNOW WHAT? Sa mga nagre-review ng mga novels, i suggest sana tignan niyo muna ang tamang paraan ng pagrereview. Alam niyo `yon? HAHA basa-basa din at pag-aralan ang tamang pagre-review kasi kayo lang ang nagmumukhang walang alam dahil hindi naman "review" iyong mga "reviews" na pino-post niyo. Hindi maiiwasan na ma-hurt ang mga writers sa mga "reviews" niyo, sinasabi ko sa inyo. Kahit kasi opinyon niyo lang `yan, nakaka-apekto iyon sa sistema ng writer, more than you ever know. I'm not saying na tigilan niyo ang pagre-review ng mga novels na binabasa niyo, but learn how to write a "decent and non-offending review". At sana po, `yong tamang pagre-review. Hindi `yong review puchu-puchu, may masabi lang. Kung may mga nobelang "MAY-MA" mayroon din namang mga "reviews" na "MAY-MA" din. Kung pwede nga lang na i-review ang mga "review" niyo, pero hindi na ako mag-aabala pa.

Nakakatawa lang na ultimo iyong hindi na dapat pansinin na detalye ay talagang in-elaborate pa. Nakakabilib ang effort niyo. But then, its your opinion. And this is my freakin opinion. So back off, dude.

Ire-review niyo ang nobela ko? Go ahead. I'm waiting for it, but I'm not buying it. Sige na nga, kayo na ang magaling sa literature, magagaling mag-ingles at kayo na rin ang the best sa pagsusulat ng nobela. Pwede isulat ang reviews niyo in pure tagalog tutal Tagalog naman ang nire-review niyo. Ika nga, mahalin ang sariling wika. Hindi ba, pareng Jose Rizal? HAHA.

Linggo, Hunyo 16, 2013

Never Say Die!

In my facebook status, i said that i'm feeling determined. And yes, i do. I will not lose hope! Makakakuha din tayo ng magandang trabaho sa magandang kompaniya. When i say "magandang trabaho", it means good working environment and many learnings. I'm really excited to work, kung alam niyo lang. Excited to learn new thing, to meet new people, to experience new experiences. Ano raw? basta, i feel like I'm so positive this day. I realized God will never disappoint me if i will wait. And I promise, papa God, i will wait. :)

Many thanks sa mga taong nagpa-lift ng spirits ko. Salamat at ch-in-at ako ni Kuya Engr. Jason, nalaman ko kung ano-ano pang magandang kompaniya ang pwede kong apply-an. At ng sabihin ko iyon kay Engr. Brian, in-encourage niya akong mag-apply doon. Na-excite ako. Thanks din sa mga words of wisdom ng the best ever ninang ko na si Susan Reyes, pati siyempre si Father dear na hindi ko makakalimutan ang  mga pangaral sa akin sa larangan ng pag-aapply. hehehe!

Minsan, kung alin pa ang mga taong hindi mo inaakalang tutulong sa `yo, iyon ang mga taong makakatulong sa `yo. May mga tao kasi na magugulat ka na lang na wala ka ng balita sa kanila dahil may sarili na silang buhay. Iyong mga tao na inaakala mong magiging parte ng buhay mo, pero hindi mo maramdaman ang presensiya niya sa mga panahong ito. Pakiramdam ko nga, kapag may isang taong hindi na nagpaparamdam sa `yo, its either may maganda ng nangyayari sa buhay niya or busy na siya sa buhay niya. I just don't expect this person to be this... self centered. I mean, hey, hindi ko naman gusto na tulungan niya ako, (because I'm a type of person na hangga't kaya pa ay hindi dumedepende sa iba) pero sana nararamdaman ko ang eagerness or kagustuhan niya na kahit papaano...hay, never mind. Mukha namang may maganda ng future ang nagaabang sa kaniya. :) I guess I just have to be happy for... (him/her). Anyway, people change. That is the most permanent things in this world. CHANGE. But me? I won't change. Kung paano niyo ako nakilala ay ganoon pa rin ako. Nandito pa rin naman ako kapag kailangan ako ng mga tao.

The Voice Phil! Astig naman ng palabas na `to.  Makasali nga. Echossss :)

HAPPY FATHER's DAY :D I love you Papa God and PAPA :D

Sabado, Hunyo 15, 2013

Feeling Twenty-two

So what's up? I'm feeling twenty-two. :)

You know why? Because it's my birthday on June 18! And I'm turning twenty-two. Three days na lang. Haha. It's not that special, you know. I treat my birthday as an ordinary day. But maybe its special when important people in my life would greet me. I'm not expecting any gifts. It's just... that's me-- i do not want any tangible things to be happy. Batiin niyo lang ako at ipaalala na birthday ko, masaya na ako.


So, twenty two. Twenty-two years na akong single. So, ngayong twenty-two na ako, sana may mag-apply. chossss! LOL. I'm an open book. During my very first interview (I won't name the company), the HR supervisor asked me why I haven't been in a relationship when i was in college. I answered: "Ma'am, because I promised to my father and mother that I won't mix any romantic relationship with my studies." My father went abroad just for us (my brother and I) to continue our studies. School is school. Naroon tayo para mag-aral. I'm the type of person that is true to my word. Ofcourse, hindi natin maiiwasang ma-attract tayo sa opposite sex natin, but it is more important not to break my parent's heart. Gaya nga ng nauna kong nasabi sa blog ko, hindi ako isang multitasker. HAHA. I'm not sure if i could balance my studies and relationship. Alam niyo ang ginawa ko? Kapag alam kong mahuhulog ang loob ko sa isang tao ay agad kong pinipigilan ang sarili ko. Lahat ng romantic bones ko ay nilagay ko sa sinusulat kong nobela.

I'm wondering what my life would be after my 22nd birthday. Actually, i'm open to all the opportunities that will come to me, be it career or lovelife. Tinanong ako ng HR supervisor (ulit) na kung may magparamdam daw ba ay ready na ako for a relationship. I went for the safest answer-- between yes or no. Iyong "OR" siguro. haha! I said, "Things happen, happens. Time will only tell." Pang-showbiz lang ang peg? toinks. Anyway, i really wish I could get a job that i would love. I don't care about the salary, basta sapat lang sana. hindi naman iyong talo pa ako sa pagod, pamasahe at sana naman sapat para mabuhay ako. Itinuturing ko ang sarili ko na masuwerte sa ibang anggulo dahil wala na akong mga kapatid na bubuhayin at pagaaralin pa. I'm the youngest in the family. I consider myself as an independent person but still dependent on my family emotionally. There were just many things that happened in my life that i couldn't forget. Sa ngayon, ginagamit ko ang mga iyon para mag-move on ako sa buhay, para may marating ako sa buhay.


For me, getting a professional license doesn't mean the end of my success. I believe it was only one of the threads of a stair to reach my ultimate dream on the landing site. During the time that my mother was still alive (God bless her), i used to tell her that my dream is to have a very spacious and beautiful house-- a villa. And knowing that she was just watching us from above, i won't stop reaching that dream. Ako mismo ang magde-design ng pangarap naming bahay. I will not disappoint her.

I was very emotional these past few days since my father left us for a job in the US. I told him it's okay. Alam kong kailangan din niyang maging masaya at i-divert ang isip niya sa ibang bagay. Babalik din naman siya, but i'm sure i'm going to miss him. My father was like my best guy bestfriend. Siya ang kasama ko mamili ng mga damit, mag-grocery, mamasyal. And I'm very glad that he was there in my graduation and oathtaking ceremony. My father is very supportive, just what i needed the most. He may not be the perfect father in the world, but I'm so lucky to have a father like him. I'm so proud of him. Para sa number one at the best father, Happy father's day, Roman Reyes. You did it! I love my father very much kahit pasaway ako madalas. Nakakatawa lang din na kahit sa board exam ko, gustong-gusto talaga niya akong ihatid pa at samahan. Moral support daw. Ah, what am i without you, father? I love you! My father was really my first love. Siya talaga ang unang lalaking nakapagpapatawa at nakapagpapaiyak sa `kin. :)


Ah, i really hope i could get a job. Alam kong ibibigay naman iyon ni Papa God sa tamang panahon.


Mahaba na. Wala talaga akong magawa, pasensiya na.

Babush!

Huwebes, Hunyo 13, 2013

Thoughts. Thoughts.

Paumanhin mga katoto, ngayon lang ulit ako nakapagpost dito.

Kaya hello! Hmmm. The truth is, i feel like im no longer a writer. Yes, I'm not a writer anymore. Hindi na kasi ako nagsusulat. I just can't write. Bigla akong nawalan ng drive magsulat. Actually, ginawa ko na ang lahat para bumalik ang drive ko sa pagsusulat. Nanood ng movies, nagbasa ng ibang novels... Tumingin sa mga gwapo? Haha! Pero walang effect. Sheeesh. Maybe i'm done with writing.

Hindi ako malungkot naiiwan ang industriyang ito because i gained many friends from writing. Oh well, lahat naman ay may hangganan pero hindi ko tatalikuran ang mga memories ko together with my co-writers and readers. Sana kahit hindi na ako nagsusulat, maalala pa rin nila ako at ituring na kaibigan.

Iyon lang ay may isa akong problema. May pending manuscript pa ako na kailangang isulat under Camp Speed series. Ang totoo, gusto ko na siyang sukuan. Ayokong maging pabigat sa Team CS. Hangga't kasi hindi ko natatapos at hindi pa ito naaapprove, hindi lalabas ang batch 2. I'm so sorry, guys. I just can't make it. I don't want to be a burden sa inyo. I know how much you love this series and i just can't take na ako pa ang magpapa-delay dito just because i can't write. Alam ko kung gaano ka-overwhelming ang feeling ng nagkakaroon ng release na book. Tapos pipigilan ko pa ang kaligayahan niyong iyon? I will never forget my friends that i gained from writing industry-- Karen, Abby, Nikka and Princess. Real name nila ang binanggit ko kasi sa totoong katauhan nila ko sila naging kaibigan, hindi sa kanilang pen name. Hindi ko sila naging kaibigan kasi sikat at magagaling silang writers, they are my friend because i accepted them as who they really are-- flaws and all-- and they accepted me as the real me. I love you friends. Sana kahit hindi na ako kabilang sa mundo niyo ng pagsusulat, isama niyo pa din ako sa mga "gimmick" niyo. Hindi ako sasama bilang si Skye Reyes, kundi si Rhoma na handang makinig sa lahat ng mga chika niyo (kahit sabay-sabay pa kayong magsalita) haha. Multi-tasking ang peg? LOL! I'm so sorry if i have to leave this hit series. Alam kong mas gaganda ang series na ito kahit wala ako. Kaya niyo 'yan! Ajaaaaa! I'm always here to cheer you up! Susuportahan ko kayo lagi.

Maybe i was just overwhelmed to the fact that i passed my licensure exam thats why i cannot write. Hindi kasi ako isang multi-tasker. Parang hindi ako mapakali sa buhay ko, na lagi kong naiisip na kailangang gamitin at ma-apply ko ang lisensya kong iyon, or else baka sa engineering naman mawala ang interes ko. Ang totoo, nabo-bother din ako dahil wala pa akong trabaho. I feel very useless, lalo na at hindi rin ako makapagsulat. Although nakakapagpahinga ako, torture din pala ang walang ginagawa sa bahay. Ang wish ko lang naman ay makapag-hanap ako ng trabahong makakapagpasaya sa akin. Oh, forget about the lovelife. Darating din iyan. Hindi iyan ang nangunguna sa list ko. XD Anyway, s-um-egway lang, ang gusto kong trabaho ay iyong may matututunan ako. Kahit sakto lang ang sahod, papatusin ko na, basta marami akong matututunan. You see, im not really into how much is my salary, but how i will gain my experience to be a better Civil Engineer and how i will surpass myself. Basta nakakaipon lang ng kaunti, ayos na. Alam kong darating ang araw na sa experience at nalalaman ko, tataas din iyan. Hehehehe! Oh, ang haba na. Next time na lang ulit.

 God is good, ALWAYS.

Martes, Enero 22, 2013

Relax :)

I want to relax after a whole day of solving and reviewing the principles of theory of structures (our topic for the week), so... Yeah, thats why I'm typing this entry of my blog. HAHA Obvious ba? lels.

I really wish i could make it to pass our licensure exam on May. As in, really. I'm very eager to pass on time, not just because I want it for myself, but to those people who believe in me. But i guess, i'll just do what i have to do... My very best. Ibibigay naman ni papa God iyon kung para sa akin talaga ang lisensiyang inaasam ko. At Ppra wala na ring sisihan sa huli. Iyong tipo na, "You didn't study well thats why you failed it on board." I don't want to hear any of that comments kaya talagang pagsusumikapan ko na ito. And besides, i promised to my mother (sumalangit nawa) that i'll do my best to get my license on May.

Yowww! Tama na ang drama! dumako naman tayo sa taong inspirasyon ko ngayon sa pagaaral (bukod sa mother ko, ofcourse) :3 (dumako talaga?) Haha! Alam naman ng lahat iyon, eh. Its no other than Engr. R.R. Haha! Natawa kayo? Ako din, eh. Lels. Ah, basta. Ang galing at ang talino kasi niya (bukod pa sa guwapo haha) kaya idol ko talaga siya. During his time, he topped the CE board exam. ang galing, no? Magaling magturo (kahit super bilis). Fast learner daw kasi kami. XD (DAW) Kahit nauubos ang oras namin sa kaka-derive niya ng formulas ( using integration, differential calculus, etc), at least the concept was there. We were able to understand the concept, kung bakit nagkaron ng ganoong formula kahit nakakaumay na. Haha! :) ayun! At saka, gusto ko talaga siyang makatrabaho, promise! Hahahaha! Kaya dapat, pumasa na ako. Chossss. De, the truth is, i just want something or someone to inspire me to struggle hard. Motivation. Alam ko naman na wala talaga kaming pag-asa romantically (bitter xD haha!), pero sana magkaroon ng chance na makatrabaho ko siya dahil alam kong madami akong matututunan sa kaniya. :D

Salamat na rin sa kaniya, may naisip na akong character sa susunod na nobela ko. I would like to write it under "Camp speed series" where the hero was a car racer- slash- genius-engineer na kino-compute ---literally-- ang velocity ng sasakyan niya to travel a certain distance with the given amount of time. Dynamics ito! XD ganoon siya ka-genius. Haha! He was also silent, mysterious type of guy... At ano pa? Tama na, wala ng thrill. Basta ganoon siya. And the character's name is... Secret! Hahaha


Hosiya. Napahaba na. Abangan niyo ha? Hahaha! Ciao :3

Teaser of ILY, Forever :3

I Love You, Forever
By Skye Reyes
 
Chrissa, Aldrich and Rane were best of friends since forever. Matagal na iningatan ni Chrissa ang pagkakaibigan nila pero nasira iyon nang mabunyag na si Rane pala ang lihim na minamahal ng fiancée ni Aldrich. Naipit si Chrissa sa dalawa niyang kaibigan, pati na  rin sa pagsintang pururot niya para kay Aldrich. Lihim kasing nagbunyi ang puso niya nang maisip na may pag-asa pa ang dalawang dekadang pagmamahal niya para sa kababata.

Sinamahan at inalo niya si Aldrich sa pagkabigo nito. Nang hindi makatiis ay nagtapat siya. Gumuho ang mundo niya nang tanggihan siya nito. Pero isang araw ay binawi nito angsinabi at sinabing subukan umano nila. Kaya naman mula sa pagiging magkaibigan ay naging mag-MU sila.

Tunay na malabong usapan ang namagitan sa kanila dahil isang araw ay nakita niyangmagkayakap ito at ang fiancée nito…
 

Biyernes, Enero 11, 2013

Kapag May Tiyaga, May Nilaga

Share-share din ng status sa facebook.

How are you feeling, Rhoma?

Good question, facebook! I'm soooooo tired. verrrrrry famished. Sa wakas, masasayaran na din ng kanin ang tiyan ko ngaung araw. -_- Its been a looooooong day. Review center in da morning, went straight to our province after to get my form137 then went back here. Gawin bang Cubao ang Pampanga? xD Fifteen minutes lang tinagal ko sa amin. Nakita ko yung panira kong grade sa math nong highschool. Bakit nga ba ako napunta sa Engineering? I quit! De joke. Malapit na ako sa katotohanan e, lisensya na lang. At doon ko din napatunayan na walang bagay na di makukuha sa tiyaga at pananalig sa Kanya.

Dagdag:

Oo, totoo iyon. Noon, hindi talaga ako magaling sa math. Alam ko iyon sa sarili ko, but still, it didn't stop me from taking CE course. Gusto kong hamunin at subukin ang sarili ko. Weird ako, eh. Ang sabi ko, gusto ko, bukod sa pagsusulat ay gusto ko pang may malaman na iba, kaya napunta ako sa mundo ng Civil Engineering.  Ewan. Ganun ako magisip dati. At iyon, unang sem ko sa college, nanibago ako. Pinatikim ng trigonometry ang unang tres ko. Bang! First sem pa lang, may tres na! I was like slapped by the reality na hindi na pala ito highschool. Na hindi uubra ang petiks-petiks lang. Ang sabi ko, "hinamon-hamon mo ang sarili mo, de panindigan mo 'yan." Ayos lang naman ang Algebra ko, kaya nagkapag-asa pa ako na may i-improve pa ako. Nagbago ako. Solve dito, solve doon. I aimed for improvement. I survived my math subjects-- Algebra, trigonometry, solid mensuration, plane geometry, analytic geometry, differential aclculus, integral calculus, statistics and probability. Nakuha lang yan sa tamang pagaaral. May konting saya din (libot ng konti sa mall together with friends) pero siyempre aral pa din sa gabi. Aral kung aral. At siyempre sasamahan din ng dasal sa Kanya. Manghingi lang tayo ng talino at malawak ng pagiisip, bibigyan tayo Niya.

Pero nong third year, seryoso na! Doon na nagsimula ang overnyt aral sa bahay. Fourth year, overnight with friends and classmates na. Tiyaga-tiyaga lang sa building designs at projects. Group study ang pinakamainam na paraan para magaral. May alam ang kasama mo na hindi mo alam. At may alam ka din na hindi niya alam. share-share din... :) fifth year, huwag ka ng matulog! (sabi ko sa sarili ko kapag inaabot kami ng umaga sa thesis at designs.) kasi iniisip ko, last year ko na iyon. kaunting tiis pa.  At muli, samahan ng dasal para mas epektibo. :)


Hala! Bakit ako nagkuwento sa college life ko? Ang gusto ko lang namang sabihin, huwag tayong matakot harapin ang mga mahihirap ng bagay at aspeto sa buhay. Isipin na challenge iyon para lalo kang mag-improve at gumaling. Hindi ko sinasabing magaling na magaling na ako sa math pero pwede niyo rin akong tanungin para patunayan iyon :) Kahit practice lang, for board exam hahaha.


So, titiyagain ko na ang pagkuha ko ng lisensiya. Alam kong ibibigay naman Niya iyon sa tamang panahon, basta ginawa ko ang best ko :))))