Linggo, Oktubre 13, 2013

Random Thoughts

I can relate to the heroine's feelings of the novel I'm reading right now. The effect of reading a romance novel. I wonder when will I experience such feeling. Ah, damn the hopeless romantic side of me.

I'm looking for inspiration to write. Be it a person, a book or even an experience. Now I'm being straight forward in here. Some little voice was starting to nag me, which says "Go out in your comfort zone, swallow your pride and go meet some people!"

Knowing me, I'm always interested to all of the people i get the chance to talk to, its just i dont have the guts to ask them personal questions. I'm just waiting for them to ask, and eventually i find my self waiting to find white feathers from a crow. Don't do others what they dont do unto you maybe they don't want to be asked too, right? So i wont ask.

I want to meet a guy who is exact opposite of me. I'm such a boring and monotomous person (although i'm trying to break that me when i have the confidence i could handle the situation), and i wish i could bump into a lively and "makulit" guy. LOL And i think i haven't met him. Yet.

I wish i could hold his hands without feeling ashamed because he already knew what i'm feeling. The guy who would hold back tight and never let go. The guy who would take me to his house to meet his family and friends. The guy who could make me laugh always. Serious when it comes to his feelings. The funny and serious. And now that's complicated. LOL

I remember our interesting conversation of the company driver, while on the way to a pre-bid conference to meet my boss. Here is the convo:
Mang E: Eh 'di daig mo pa kuya mo, may boyfriend ka siya walang girlfriend.
Me: Ah e wala po akong boyfriend (kamot sa ulo, lagi nlang kasi ako napagkakamalang may bf daw.)
Mang E: Wala? Mapili ka siguro, 'no?
Me: Hindi po. Wala pong lumapit sa 'kin. Natatakot po yata.
Mang E: Eh ano bang hinahanap mo sa lalaki?
Me: Mabait po.
Mang E: Mabait lang? Eh di pwede na yung basta nakatayo lang dyan. Mabait sila e, walang ginagawa.
Me: (napangiti sa corny joke niya hehe) Yung nagtatrabaho at nagsusumikap naman po.
Mang E: Oo, tama. Huwag ka ding maghanap ng guwapo.
Me: Kasi baka lalaki pala ang hanap imbes na babae?
Mang E: Isa yun. 'yung mga guwapo kasi, madalas ay mataas din ang standard nila. Bukod don ay may mga maloloko at o kaya naman maraming chicks na aaligid sa mga yan. Marami kang kaagaw. Lagi kang magseselos. Pero hindi naman 'yung pangit ang piliin mo. 'yung presentable namang tignan.
Me: (Napapangiti at tumango) Hindi naman po ako naghahanap ng guwapong-gwapo. Baka maloko silang lahat.
Mang Ed: Hindi naman lahat, maloko. Kaming mga lalaki e nakakaramdam din ng pagkabog ng dibdib. Kapag nakikita namin yung gusto namin, naku, kinakabahan na. At saka, kami, minsan, nawawalan kami ng lakas ng loob na sabihin sa babae na gusto namin sila lalo na kapag nararamdaman naming walang pagasa. Ah, 'yun pala ang di dapat. kasi dapat kung gusto e hinihintay 'yan. At saka lalaki kami, dapat kami ang lumalapit at naghihintay. Kaya hwag kang unang magpapakita ng motibo sa mga lalaki.
Me: Opo, hindi po. (tawa) May alam po ako sa ganyang ugali ng mga lalaki.. Naka-experience na ko ng ganyan. (kwento ng experience)

And I won't tell you my personal experience. LOL. haha Because of that conversation, medyo nagka-ideya lang ako sa feelings ng mga lalaki. Anyway, we were all human beings. Nagkakamali. Nakakaramdam. Nasasaktan.

Talk about love and relationship. May inspiration na ko. :)

The "writer mode", Rhoma Reyes, Signing off. ^_^
posted from Bloggeroid

Biyernes, Oktubre 4, 2013

MRT, Sakay na!

Nakasakay ka na ba ng MRT?

Metro Rail Transit o MRT. Isa ba ‘to sa sinasakyan mo sa t’wing papasok ka sa school, opisina, o kaya naman ay kapag namamasyal ka? Inaamin ko, isa ako sa mga libo-libong parokyano ng MRT kada araw.  “Libo-libo” talaga ang tantsa ko, ang dami talaga kasi ng mga tao, e. Isa ako sa mga ulong nadagdag sa 540,000 na pasahero na sumasakay sa MRT araw-araw.

Isa ako sa mga nadagdag na parokyano ng MRT simula ng matanggap ako sa trabaho ko. Bilang bagong gradweyt at lisensiyadong propesyonal, hindi dapat ako mapili sa una kong trabaho. Malayo man o… malayo (no choice)— gora lang, ang mahalaga ay maumpisahan ko nang gamitin ang lahat ng nalaman ko sa loob ng anim na taon na pagsusunog at pagbubunot(joke) ko ng kilay, para na rin makatulong sa pamilya. Kung maraming tulad ko na nadagdag sa populasyon ng tao sa MRT, hindi ko alam kung kumikita ba “sila” sa amin o talo-talo pa, dahil sa nakakainis at nakakainip na sistema nito. MRT sa umaga, pagpasok sa opisina. MRT sa gabi, pag-uwi. Galing akong Commonwealth Avenue at dahil mahirap sumakay ng jeep na papunta sa North Ave., no choice ako kundi ang sumakay papuntang MRT Q-Ave Station, ang pangalawang istasyon (Kung galing ka sa Northbound). Bumababa naman ako sa Magallanes Station, ang pangalawa sa pinaka-huling istasyon ng tren. Kahit kailan, hindi ko naging opsyon ang mag-bus dahil sa bagal na daloy ng trapiko sa EDSA.

Grabe, ang dami pala nating problema sa transportasyon sa lupa, pa’no pa sa karagatan at himpapawid? Baka kapag natuloy ‘yung plano nilang magkaroon ng “subway train” baka mabulabog ang mga lamang-lupa na ayon sa lola ko ay naninirahan pa din sa Maynila. Pero ‘di bale, matagal pa ‘yon. Baka mga fifty years bago maumpisahan ang proyektong ‘yon. Hindi pa raw kasi kasya ang budget… pero marami silang idadagdag na “pork barrel” sa Senado. Siksik liglig, umaapaw. Gagawa pala ako ng kunyariang organisasyon tapos magmamakaawa ako sa kanila na bigyan ako ng pera para sa organisasyon ko. Tapos sasabihin ko, pipty-pipty kami. Kung ayaw “niya”, de sige, mabait ako kaya 60:40 na lang pala. Sarap buhay! Eherm, hindi nga pala ako magaling sa pulitika kaya itigil na natin ‘tong usapang ‘to. Pero tinamaan ng lintik ‘yan, dahil nagta-trabaho na pala ako, nadagdagan na naman ang mga taong kakaltasan nila ng sahod. Hay, tama na nga. Bago pa ‘to maging fifty pages sa haba, huwag na muna nating pag-usapan ang ibang problema sa inang bayan natin, lalo na ang pulitika. Sa ngayon, magko-concentrate na lang muna ako sa MRT.

Okay, ngayong nalaman niyo na tatakbo ako bilang presidente ng Pilipinas, iboboto niyo na ba ako? De, joke. Siyempre dahil tapos na akong ikuwento kung sa’n ako galing at kung bakit ako napadpad sa MRT, sisimulan ko ng isa-isahin ang mga naobserbahan ko sa tuwing sumasakay ako ng tren na ito. Para sa akin, kakaibang experience ang makasakay sa MRT natin. Minsan, masaya dahil nakakarating ka sa paroroonan mo ng maaga, madalas nakakainis, yung tipong mapapamura ka na sa sobrang hussle sumakay dito. Pero kahit na ganoon, “It’s more fun in the Philippines” pa din siyempre. Aba naman, siyempre, it’s more fun talaga. Masaya maging Pinoy, `di ba?

Number one-O-one point one na rule— huwag kakalimutang mag-CR bago sumakay sa MRT. Kaya nga may CR sa bawat MRT Station, e. Kung tiwala naman kayong hindi kayo aabutan ng “tawag ng kalikasan”, o ‘di kaya’y maiihi, keri lang, ginusto n’yo ‘yan. Huwag lang sana kayong matulad sa taong na nakasabay ko sa MRT. Talaga namang nagpasabog ng “hanging habagat” mula sa paparating na “unos” sa loob ng tren. Dapat kasi tinatanong mo muna ang “okay ka ba tiyan?” o di kaya’y uminom ka na lang ng Yakult. Huwag na natin siyang pangalanan dahil hindi ko siya kilala, ni hindi ko nga alam kung sino sa mga katabi ko, basta ang alam ko, hindi ako ‘yon. Basta mga katoto, konting malasakit lang sa nakiki-amoy. Pagdating naman sa pabango, please lang, huwag po ‘yung matapang na pabango. Nakakahilo.

Maituturing ko na ang pagsakay sa MRT ay parang video games. May level one, two at three. Dahil no choice ka, kailangang mong malampasan ang mga level na ito. “Never say die!” dapat ang drama ng mga taong sasakay ng MRT. Kaya kung parokyano ka ng MRT, saludo ako sa inyo! Eksperto sa paghihintay, pagbabalanse, at mahaba ang pisi niyan. Ang level one, iyong tipong kararating mo lang sa istasyon ng MRT. ‘Yung hindi ka pa nakakatapak sa hagdan paakyat, e, may pila na. Dito, inihahanda ang sarili mo sa tunay na labanan sa susunod na level. Kailangan, patient ka. Kadalasan nangyayari ang pilang ito mga bandang alas-siyete pa lang ng umaga o di kaya’y alas siyete ng gabi. Masyado kasing maraming tao sa platform kaya naman ipinapatigil ang pagpasok ng mga tao sa MRT. Maraming tao dahil kaunting tren ang dumadaan. Kaunting tren pero ang kaunting tao lang din ang maisasakay (kapag hindi ka galing sa dulong station). Sa level two naman, ay kapag na-inspeksyon na ng guard ang bagahe mo, nakabili ka na ng ticket at maghihintay ka na sa platform para sa tren. Advise lang: kung madalas ka namang sumakay ng MRT, mag-stored card ka na lang para mabilis. Sa level three naman ay ang pagsakay mo ng MRT. Kung dumaan ang skip train, ikaw na ang pinaka-masuwerteng tao sa balat ng Maynila. Kung hindi, humanda ka na sa tunay na laban.

Minsan naisip ko, ano kaya kung sumali tayo sa sa Guiness Book of Records sa paramihan ng magkakasyang tao sa isang tren? Mas masuwerte pa ang sardinas sa lata, may space pa para sa sabaw. Pero sa MRT? *iling* Anyway, highway, ayos lang sana kung lahat ng tao ay nagmamalasakit sa kanilang kapwa. Madalas kasi, hindi e. Sikuhan, balyahan, tulakan at kung paminsan, sipaan. Grabe, people. *iling ulit* Pinanganak pa tayong wrestler? Boksingero? May mga matatandang hindi pinapaupo, may mga buntis na nakatayo, may mga batang dala ng kanilang magulang na hindi nakaupo. Tsk. Tsk. Hindi naman sa nilalahat ko, may mga pagkakataon naman na mayroong mabubuting loob na nagpapaupo sa mga nabanggit ko. Hindi ko naman masisi ang iba dahil sumusunod lamang sila sa agos ng tao na siyang nanunulak. Wala rin akong balak manisi, lahat naman kasi tayo nagmamadali. Inuulit ko, kaunting malasakit lang sa kapwa, mga katoto. May napapansin akong lalaki (na hindi naman ganoon katandaan) na pumupuslit sa bahagi ng tren na para sa mga babae. May mga tao sa gitnang parte ng tren na ayaw umurong kahit nakikitang siksikan at halos hindi na makahinga ang mga taong nasa pinto ng tren. Nakakalungkot na may mga tao talagang makasarili, maging komportable lamang sila sa kanilang pwesto ay ayos na. Wapakels na sila sa iba. Urong-urong din sa gitna ‘pag may space, lalo na sa mga malayo pa ang babaan. Maraming ayaw umurong dahil daw malapit na ang istasyon na bababaan nila. Katanggap-tanggap na dahilan pero inuulit ko, kaunting sakripisyo lang. Ganito talaga mabuhay sa mundo, parang bato, it’s hard. Pero kahit na ganoon, dapat hindi natin nalilimutan tumulong, magbigay at magmalasakit sa kapwa.

Gusto kong itanong mula sa kinauukulan, may pag-asa pa kayang maibsan ang ganitong problema sa MRT? Parami ng parami ang mga taong sumasakay dito. Sana naman po, may gawin silang paraan para mabawasan ang ganitong paghihirap ng mga commuters. Kung madadagdagan ng sampung piso ang pamasahe sa MRT, be sure it would all be worth it. Mahalaga ang pera sa pangaraw-araw, dapat sulit ang lahat ng ginagastos namin.

Maiba tayo, MRT was constructed to lessen the traffic congestion in EDSA, right? (nosebleed) Pero bakit ganu’n, parang walang pinagbago. Traffic pa rin sa EDSA madalas. Hindi na bagong balita ‘yan. No’ng ginawa ang MRT, oo, at nabawasan daw ng kaunti ang daloy ng trapiko pero hindi nagtagal ay dumami rin ang mga pribado at pampublikong sasakyan na dumaraan dito kaya back to normal na naman. Anyway, out of the topic na at lalo lang humahaba, nabanggit ko lang kaya pagbigyan na.

Sa mga kababayan kong kasangga ko sa pagsakay sa MRT araw-araw, saludo ako sa inyo! Ang titibay niyo, e. Survival of the fittest ang peg kapag sumakay ka ng MRT. Kung mahina ka, talo ka. Pero may pag-asa pa, mga kabayan. Tandaan niyo, ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan! Mabuhay ang bansang Pilipinas! Punitin ang Sedula! Biro lang.

Sa mga Juan dela Cruz na hindi pa nakakasakay ng MRT, ano pang hinihintay niyo? Sakay na!

#EffortSaPagType #WalangMagawa #Opinyon #Pilipino


Linggo, Setyembre 22, 2013

Letters From The Past

As I was browsing through the letters i have received during the past six years of my life (since 2007) and read my diary (during first sem, 2nd year college, 2008), i suddenly felt nostalgic. Sino bang hindi? Even the letters were heartwarming. I wish i could hug the sender who sent those letters everytime i finish reading the letters one by one.

To my friends, I wish i could apologize to them for being so serious back then. I was a very serious person. Was. Anyway, we're still friends kaya kapag nagkita kami one of these days, sasabunutan ko na lang yong mga yon. hehehe. chossss! I love my bestfriends... Ang dami na naming napagdaanan, ang we're still friends until now. Nagkikita-kita kapag may time even though may kaniya-kaniya ng trabaho.

Oh, well... back to the letters. There's this letter... from... special someone. He was one of our classmate. I remember whenever he would talk to me, lagi niyang kinukuwento kung paano ko daw siya napabilib noong nag-solve ako sa blackboard noong differential calculus namin. LOL He wrote that letter during my 18th birthday (third year na ako non, one year ago simula noong una ko siyang nakilala). I also wish i could hug him right now. Gusto kong sampalin ang sarili ko sa pambabalewala ko sa kaniya. I'm so childish. Takot kasi ako sa relationship noon since studies first naman talaga ako. (sigh) After reading the letter, napangiti ako ng mapait at gustong mapakanta: "Why can't it be the two of us?" LOL. Ang tanga ko kasi natakot ako... ilang beses kong tinanggihan iyong movie date na pinaguusapan namin dati. We even had an agreement na "kami na," noong August 28 yata iyon. Nakasulat sa papel. Anyway, iche-check ko sa aking diary. Malamang ay naroon iyon. So, nawala ko iyong papel kung saan na nakasulat na "kami na". Ang tanga lungs. One of this days, i promise na kakalkalin ko iyon sa mga papel ko sa bahay. (hindi kasi ako nagtatapon ng papel)

God knows how I want to say "yes" when he asked me if we could go out and watch movie. Nagpaalam ako sa mother ko but hindi niya ako pinayagan. I remember regretting na nagpaalam ako. Sana tumakas na lang ako. HEHE So bantay sarado si mother dear nung sabadong iyon... talagang hindi ako nakalabas ng bahay.

Although natuloy ang movie date namin, wala na si mother dear para suportahan ako. Nagkita lang kasi at nakausap ko siya noong burol ni mother. Biro mo, nag-effort pa siyang samahan ako sa pinakamalungkot na bahagi ng buhay ko sa kabila ng... *sigh* We went out last valentines day (nilibre niya ako. hehe) and no'ng pumasa ako ng board, bilang isa sa mga celebration ay ako naman ang nanlibre sa kaniya. LOL

After reading his letter, i was like: "Sayang, ganito pa rin kaya ang feelings mo sa akin ngayon? I have no idea." I really, really wanted to ask him right now, but as usual takot na naman ako. Diosmio, sana po huwag niyang mabasa ito. HAHA. Hmmm..

I want to thank him for being special to me since day one. He may not be there everyday, but i can feel his presence during the most important days of my life, nakakalungkot man, masaya o sakto lang Anyway, siguro ay panapanahon lang. May iba man siyang napupusuan ngayon, okay lang, susuportahan ko siya. ^_^

Ang drama kooooo! chosssss. throwback sunday ang drama xD

Miyerkules, Setyembre 18, 2013

Breaktime Notes

I want to write but i can't get the mood to write. I was able to imagine scenes but it seems like its impossible to be put it in a paper now. Huhu kailan kaya... I really do one thing at a time. Hindi ko yata kaya ang sabay. Hays. Breaktime namin. Busy mode. Stress level maximum to 99.9%. Thought i'd prefer this way. No negative thoughts about other things. Just work related stress. Anyway... Pagdating naman ng breaktime, naiicp ko din. Kasi... Kasi... I hope everything's gonna be okay...

posted from Bloggeroid

Linggo, Setyembre 15, 2013

Saturday Blast

Okay. I just want to write another post. Pagbigyan na. :P


Oh well, its monday again tomorrow. I'm a bit worried because the suppliers i've called didn't passed their quotations yet. amp. i really hate convincing people but i know that its all part of life. waaaa. talk about weakness. lagot kasi ako kapag hindi ko nakuha ang mga quotations (list of prices) sa monday. haha anyway, i can do this! konting tiyaga lang, Rhoma. Face your fears. You'll get stronger each day...

The consolation is, may bago kami this week. New co-employee. ^_^ I'm not alone. hohohoho

I know how to fax naaaaaaaaaa! hehe if there's one thing that i like about facing fears is learning new things. Hehe I am able to make phone calls but i'm still an amateur on speaking. Mahina raw ang boses ko. Feeling ko naman kasi, malakas. Ayoko lang naman marinig hanggang sa pangatlong row ng cubicle yung boses ko. Mahina raw? xD

ANywayyyyyy. i hate disappointing other people kaya sana, sana naman ay magpasa na sila ng quotation dahil talagang kukulitin ko sila!

Maiba tayo...

I really had a great day yesterday.. I want to thank Nikka and friends for dragging me (literally. LOL) sa PHR cocktail party. Gusto ko talaga kasing tumakas since nahihiya ako dahil wala pa akong pinapasang manuscript since the start of the year. Tapos 100 days before Christmas na, wala pa din. ahuhu Anyway, i really promise na magsusulat na ako. Sa office kasi ako nagsusulat, e. Tuwing umaga at hapon. I'll be writing the chapter by chapter events tonight. Waaaaaaaaaaaa!

I bought books like World War Z by Max Brooks, Lovestruck by Ronald Molmisa and Life is Too Short. And ofcourse, mawawala ba ang pagbili ko ng pocketbooks? haha! Ibinili ko ng books ang boss ko since nagbabasa din pala siya ng pocketbooks. :D

Unexpectedly, i was dragged (again) to sleepover sa bahay ng bestfriend kong si ate Rash. I really love her family. They were very friendly and accommodating. Although, forgive me, i couldn't memorize all their names (kahit ilang beses na akong nagpupunta do'n) T.T

I hate that I suck at memorizing names and faces. :'( i really feel bad when i couldn't recognize the people who knows me. Dapat kilala ko rin sila, di ba? huhu

Engr. Rhoma Reyes, signing off. Have a nice week days ahead! ^_^

Huwebes, Setyembre 12, 2013

To The Real Me

I've been contemplating about myself... and there are many things that I found out about myself. This is because it seems like I don't know myself anymore. Have I changed or pretending to be someone I'm not just for the people to accept me?

I am the person who secretly fears first time experiences.You won't find any thrill in my bones. I just want a smooth life sailing into a calm sea. If possible, I want to run away from those first time experiences or postponed it. But no matter how I ran away and how many times I postpone it, if it's inevitable and I have no choice but to face it, that is the time I am stressed up to the highest level. I hate first times for I am likely to commit mistakes. I know that it's okay to be wrong because you'll learn from it. But you know, when it comes to me, I think it isn't. You'll gonna find out why in the second paragraph.


I am a slow person. I don't get things at first unlike any other smart people. That is the reason why I don't understand why people 'looked up' to me like "Ikaw, pa. Sisiw lang sa `yo `yan." NO. When something is new to me, it takes time for me to get it. I'm such a slow person. I need a minute to think about the spelling of "Christmas" or even the correct pronunciation of "gravel". It requires TIME and much EFFORT for me to get familiar with a certain topic. What I could brag about is that I'm a hardworking person if it suits me. Meaning, if I want it, I want it. There's no more turning back-- by hook or by crook.

I also hate asking people. I'd rather find the answer myself if its possible. If not, thats the time i'll start asking questions. Its free to ask questions, but i believe finding the answer yourself is much better. You'd remember it easily right? XD

In terms of socializing with people, what i think about myself is i'm in the middle of being an introvert and the opposite of it. What is it called again? Extrovert? LOL. So, as i was saying i couldn't say if i'm "makulit" and talkative but i'm definitely not a people person. I usually hate phone calls. If possible, I'd rather talk personally or just a message in social networking sites or text will do. I don't say outloud whats on my mind, I write it in a piece of paper or type it as a status in my facebook account. I think many times before saying anything for i am afraid others might get hurt unintentionally.

I'm likely very easy to please and convince because i hate rejecting people. I'm a touchy person and always dwell in the past. i Love collecting sentimental items. So, what else? Tama na muna. Baba muna ko ng mrt. LOL

posted from Bloggeroid

Martes, Setyembre 3, 2013

Depressing thoughts

Minsan, nakakapagod ng umiyak. Ang sabi nila, kapag umiyak ka daw, magiging maganda ang pagkiramdam mo pagkatapos dahil nailabas mo na ang lahat ng sama ng loob mo. Sa kalagayan ko, hindi, e. Kadalasan kasi akong inuuhog ng ilang araw kapag umiyak ako at hindi 'yon maganda sa pakiramdam. Kapag pinigilan mo naman ang iyak, ang sakit din sa ulo at puso, literal. Masakit. Pati sa atay at balunbalunan. Kaya minsan, sumasakit din ang tiyan ko. Jusko, mamamatay na yata ako. Wag naman, 'di pa ko nagkaka-love life.

Hmmm. I miss my mother. I miss my father. I miss my brother. At ngayon, ang sakit ng ulo at puso ko dahil pinipigilan kong umiyak, nasa MRT ako. Kapag kasi ganitong nakatunganga ako at walang ginagawa kundi mag-antay ng istasyon kung san ako bababa, ang dami-dami kong naiisip na nakakapagpa-depress madalas sa 'kin. Minsan naiisip ko, wala na ba akong maiisip na masaya? 'yong matatawa't mapapangiti naman ako para mapagkamalan akong baliw sa MRT. Masaya kayang mapagkamalang baliw? Ma-try nga.

Hanggang ngayon, iniiwasan kong sumulat ng artikulo na nagsasabi ng lahat ng hinanakit ko at pagsisisi patungkol sa pagkamatay ni mama at ang relasyon namin ng papa ko at kuya ko. Ang hirap ilabas.

Sana nga totoo 'yung sinasabi nila na kapag inilabas mo lahat ng nararamdaman mo e magiging okay na ang pakiramdam mo pagkatapos. Iipunin ko lahat ng tapang ko para ilabas iyon.

Hanggang sa muli.

posted from Bloggeroid